Chapter 9

1309 Words
Joshua's POV Malungkot kaming umuwi nila mama sa bahay, inayos namin yung para sa burol ni ate, wala na eh pinatignan namin sa iba't ibang doctor doon sa ospital si ate kaso ang sabi wala na daw pag asa ayaw sana namin mawalan ng pag asa kaso wala na talaga eh pinipilit na lang namin maging masaya kasi kapag malungkot kami malulungkot din si ate, kasi ayaw niya ng ganon eh gusto niya lagi kaming masaya. Dito lang namin sa bahay plano iburol si ate hindi na kami naghanap pa kasi dagdag gastos pa, maya maya natapos na din kami mag ayos sa bahay inaantay na lang namin siya. Nung dumating na siya hindi na muna kami nagpapasok ng ibang tao na gustong makita si ate. Pumunta si mama at papa sa kabaong na bagong tulugan ni ate "Anak, alam naming pagod ka na kaya hindi ka na lumaban makasarili man kung iisipin pero mas okay na siguro yung ganyan hindi ka na namin nakikitang nahihirapan kasi nasasaktan kami sa tuwing nakikita ka naming nahihirapan na, alam din namin na pinipilit mo lang na huwag sumuko kasi alam kong gustong gusto mo kami mabigyan ng magandang buhay at gusto mo din makita pang makapagtapos ng pag aaral kapatid mo, malapit ka na din sanang makapagtapos bakit hindi mo man lang hinantay anak?" Pa hikbi hikbing sabi ni mama habang nakatingin kay ate na nasa loob ng kabaong "Anak, pasensiya na kung nahirapan ka ahh, pasensiya na kung may pagkukulang kami sayo, pasensiya na kung hindi namin nagampanan pagiging magulang namin sayo, pasensiya na kung hindi namin naiparamdam sayo na mahal na mahal ka namin, pasensiya na kung alam mong napabayaan ka namin kung pwede pa sanang ibalik, ibalik ka sana sa  amin at gagampanan namin ng tama pagiging magulang, ipapangako namin sayo na gagawin namin lahat huwag lang dumagdag sa problema mo, kasi ikaw yung taong hindi pala sabi ng problema eh, ayaw mong may maabala kang ibang tao sa problema mo kaya kinikimkim mo na lang sa sarili mo at mag isa mo sinusulusyunan yon" umiiyak na sabi ni papa, ako naman nakaupo lang sa sofa humihikbi hindi ko kayang tignan si ate kaya, nasasaktan ako minsan gusto ko na lang sisihin ang diyos kasi sa dami rami ng tao bakit si ate pa kinuha niya madami pang pangarap si ate na hindi niya pa natutupad. Pagkatapos titigan nila mama si ate nagpapasok na din sila ng tao kaya kami naman todo asikaso at bati sa mga dumadating "Ma, pa, pahinga na po muna kayo ako na pong bahalang mag asikaso sa mga bisita wala pa po kayong pahinga" sabi ko kila mama nung nakita ko silang namimigay ng pagkain "Hindi anak kaya pa namin ito, hindi kami mapapagod baka ikaw ang pagod na kaya sige magpahinga ka na" sabi ni papa "sa pamamagitan nito makabawi man lang kami sa pagkukulang sa ate mo" dugtong naman ni papa "Tita, Tito, Joshua magpahinga na muna kayo kami na ang bahala dito wala pa kayong pahinga simula kahapon, kaya pag bigyan niyo na kami" nagulat kami sa pagsulpot nila kuya Gian wala na kaming magawa kasi kinuha na nila yung mga hawak namin at tinulak kami papuntang kwarto kaya umakyat na lang kami at nagtungo sa kanya kanya naming kwarto. Pagpasok ko sa kwarto nahiga agad ako sa sobrang pagod hindi na rin ako nakapag palit ng damit, maya maya lang hindi ko namalayan na nakatulog na agad ako Gian's POV Nandito kami ngayon sa burol ni Jae inaasikaso mga bisita, sa sobrang daming tao napapagod na din kami sa pagbati at pamimigay ng pagkain, pero para kay Jae gagawin ko lahat. Alam kong madami akong pagkukulang sakanya sobrang dami non pero hindi siya nagrereklamo alam kong hindi ako naging perpektong kaibigan sakanya kaya dito na lang ako babawi, mabait si Jae sobra ayaw niyang sinasaktan pamilya niya tsaka mga kaibigan niya mas pipiliin niyang siya yung saktan. Nagulat na lang ako kagabi tumawag sa akin si Joshua sinabing wala na daw si Jae syempre ako hindi naniniwala kasi alam kong walang sakit si Jae, pero pinaliwanag sa akin ni Joshua lahat, kaya sobra akong nagsisi, sinisi ko sarili ko kasi wala akong alam na yung kaisa isahang kaibigan kong babae ay may dinadamdam, sa pagiging masayahin niyang tao, sa pagiging makulit hindi mo aakalain na may sakit pala siya at ang pinaka pinagsisisihan ko ni hindi ko man lang siya natanong ni isang beses kung ayos lang ba siya, kung kamusta ba siya. Pakiramdam ko hinayaan ko siyang mag isa sa laban niya. Nung hinalikan ko siya noon sa pisngi niya may nararamdaman na ako sakanya non, matagal na akong may gusto sakanya pero wala akong lakas ng loob umamin kasi ayokong masira pagkakaibigan namin, tsaka ayoko siyang bigyan ng sakit ng ulo o kaya ayoko na maging awkward siya pag kasama ako kaya tinago ko na lang sa sarili ko, pagkatapos nung pangyayari na yon hindi ako nagpakita sakanya, nagtetext siya pero mga replies ko maiikli lang nagtanong din siya sa akin kung bakit hindi niya na ako nakikita pero hindi ko na nireplyan yon. Nung nasa school naman nakita ko siyang nawalan ng malay non pupuntahan ko na sana siya kaso may lalaking tumulong sakanya pinanood ko na lang siya kung saan niya dadalhin si Jae nung nakita kong sa clinic dinala ay umalis na ako non, ayun din sana yung panahon na aamin ako sakanya pinaghandaan ko pa man din yung mga sasabihin ko at nagdala pa ako ng paborito niyang bulaklak at chocolates sinamahan ko na din ng teddy bear pero pinamigay ko na lang yung bitbit ko sa iba at hindi na rin ako umulit pang lapitan siya. Sobra sobra akong nagsisisi ngayon na lang sana ulit kami magkikita dito pa at ang pinakamasakit pa ay yung makita mo yung taong mahal mo na nakahiga sa kabaong, napaiyak ako sa sobrang pagsisisi at pag iisip ng mga pinagsamahan namin ni Jae kasi hindi ko din matanggap na matutulog na siya habang buhay pero meron din naman parte sa akin na masaya kasi hindi na siya maghihirap, wala na siyang lalabanan kaso kilala ko to si Jae gusto niyang mabigyan ng magandang buhay pamilya niya, gusto niyang mapagtapos si Joshua. Puro ibang tao ang iniisip lagi ni Jae wala siyang pake sa sarili niya ang importante makapagpasaya at makatulong siya sa iba kahit wag na yung sarili niya Nakita ko yung iba pang kaibigan ni Jae na kakadating lang may mga dalang pagkain, hindi ko sila kilalang lahat pero alam kong kaibigan sila ni Jae kasi palagi kong nakikitang magkakasama sila "Gian, tulungan na namin kayo sa pag aasikaso lagay lang namin tong mga dala namin doon saglit lang" sabi ni Kira yung laging kasama ni Jae kilala ko siya kasi matagal na silang magkaibigan ni Jae eh, halata din sa mukha niya ang matinding lungkot at pangungulila dahil sa sobrang pamamaga ng mga mata niya, ganon din ang nakita ko sa iba pang kaibigan ni Jae na nag aasikaso na din, pero sinusubukan nila na wag malungkot o umiyak man lang para kay Jae kaya masaya nilang binabati at inaasikaso ang mga tao. Nagpaalam ako kila Kira na mag ccr lang ako kaya pagpasok ko sa cr doon na ako nanlambot binuhos ko lahat ng sakit at nararamdaman ko doon, kinuha ko sa wallet ko yung picture ni Jae na naka peace sign at kinausap ko yon, ayun yung pinakapaborito kong picture ni Jae "Jae madaming nagmamahal sayo kaya please bumangon ka na diyan, gumising ka na madami pa akong gustong sabihin sayo, madami pa akong ikukwento alam kong ayaw na ayaw mong umiiyak kami o nasasaktan kasi ikaw nahihirapan para sa amin pero mahirap magpanggap eh, mahirap magpanggap na okay lang kahit hindi naman talaga, napakadaya mo naman kasi eh" ------------------- Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD