Zaiden's POV
Pagdating ko sa ospital hindi ko alam kung ano mararamdaman ko nung narinig kong wala na daw pag asa si Jae, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari kasi alam ko malakas si Jae kasi sa mga panahong aksidente kaming nagkikita nakita kong malakas siya parang wala siyang sakit tsaka parang walang dinadamdam
Kinalma ko muna sarili ko bago pumasok sa kwarto ni Jae pagbukas ko nandon yung pamilya niya tsaka mga kaibigan niya. Nanghina ako pagkapasok ko, yung pagpapalakas ko ng loob parang balewala lang. Patakbo akong lumapit kay Jae hindi ko alam kung ano gagawin ko natatakot akong hawakan siya kaya tinignan ko na lang siya at umiyak nang umiyak "Jae hindi pa tayo nakakapag usap, nandito na ako please bumangon ka na diyan madami pa tayong pag uusapan gusto pa kitang pasayahin kaya please naman ohh nakikiusap ako Jae" pahikbi hikbi kong sabi
Maya maya lang ay pinauwi na muna kaming lahat para ayusin yung burol ni Jae pero hindi na muna ako umuwi pumunta ako sa park na lagi naming pinupuntahan ni Jae noon at bigla na lang nag flashback sa akin yung mga masasayang alaala namin sa isa't isa kaya napaiyak na lang ako
-FLASHBACK-
"Den, pwede mo ba akong iswing? Huhuhu hindi ko kasi maiswing sarili ko eh" sabi sa akin ni Jae habang naka upo siya sa swing
"Hahahahaha, napakaliit mo kasi kaya hindi mo maapak paa mo sa ground" pang aasar ko naman sakanya, nainis siya kaya naman tumayo siya para hampasin ako pero tumakbo ako para hindi niya ako mahampas "hahahaha ang liit liit kasi hahahah, patangkad ka na kasi Jae" pagpapatuloy ko sa pang aasar sakanya
"Edi sige ikaw na matangkad, akala mo naman gwapo ka? Hindi kaya napakapanget mo kamukha mo si kokey bleee" pang aasar niya din sa akin
"Anong sabi mo?! Panget ako?! Teka humanda ka sakin sige tumakbo ka lang nang tumakbo pag nahabol kita lagot ka sakin" pananakot ko sakanya kaya hinahol ko siya nung mahabol ko siya bigla ko siyang kiniliti
"Tama na Den, hahahaha, tama hahahaha na"
"Ano uulitin mo pa?"
"Hindi hahahahaha na hahahaha kaya tama na hahahhaa" binitawan ko na siya hirap na din kasi siya huminga kakatawa eh
"Den, bago tayo umuwi mangako tayo na hindi natin iiwan isa't isa ahh gusto ko hanggang dulo tayo pa rin ahh" biglaang sabi ni Jae kaya ako naman nabigla at hindi alam ang sasabihin
"Sige, Jae pangako ko sayo na hinding hindi tayo magkakahiwalay pangako yan"
Pagkauwi ko kinausap ako nila papa "Ahh Zai may sasabihin kami sayo" sabi ni papa
"Ano po iyon?" Tanong ko naman na may halong pagtataka
"Sa susunod na bukas ay aalis tayo pupunta tayong America dahil ang lola mo ay nag aagaw buhay na" pagsabi naman ni mama sa akin
"Ha?! Ayokong sumama dito lang ako" pagtanggi ko
"Hindi pwedeng hindi ka sasama inaasahan tayo ng lola mo na kumpletong dadating doon dahil ayon din yung gusto niya mangyari kaya sana naman pagbigyan natin siya" sabi ni mama
"Magtatagal din pala tayo doon dahil aasikasuhin din natin ari-arian at negosyo ng lola mo kaya hindi ka pwedeng maiwan dito" sabi naman ni papa
-KINABUKASAN-
Inaya ko ulit si Jae sa park para masulit ko yung huling araw na magkasama kami gusto kong magpaalam pero hindi ko alam kung kaya ko siyang masaktan
"Den, tara seesaw tayo hahaha" hila sa akin ni Jae papuntang seesaw kaso bago pa kami makasakay ay may nauna na dito kaya nalungkot naman si Jae
"Wag ka na malungkot diyan hindi bagay sayo hahahaha, ayun ohh may ice cream tara bili tayo libre ko na" turo ko naman sakanya nung may nakita akong nagtitinda ng ice cream kaya kinuha ko kamay niya at tumakbo kami papunta doon
"Kuya dalawa nga pong cheese flavor"
"Ang cute niyong tignan, sana wag kayong magkahiwalay" sabi naman ni kuyang sorbetero habang inaabot sa amin yung ice cream
"Ay kuya hindi po talaga kami maghihiwalay hahahaha, papabugbog ko 'to kapag iniwan ako hahaha" biro naman ni Jae kaya ako naman ay napalunok at hindi alam sasabihin ko at sinisisi ko sarili ko dahil iiwan ko siya
"Ay, opo kuya hindi po kami maghihiwalay, ayoko po mabugbog hahaha" biro ko naman
Inihatid ko na si Jae sa bahay nila at nagpaalaman na kami
"Jae, mag iingat ka lagi ahh, kung mawawala man ako isang araw sana huwag mo na akong antayin o kaya hanapin, hayaan mong pagbalik ko ako ang maghahanap sayo" biglang sabi ko kay Jae bago siya makapasok sakanila
"Ano ba yang sinasabi mo Den kinakabahan ako hahaha, hindi mo naman ako iiwan pinaghahawakan ko yon at may tiwala ako sayo, sige hindi kita hahanapin kapag nawala ka kasi may tiwala din ako sayong babalik ka"
"Sige na pumasok ka na gabi na, uuwi na rin ako basta ipangako mo sakin na mag iingat ka lagi ahh, wag mo hahayaang magkasakit ka" hinalikan ko siya sa noo sa una at huling pagkakataon nung nakapasok na siya umuwi na rin ako at pagpasok ko sa kwarto ko umiyak lang ako nang umiyak "Jae sorry kung iiwan kita pero pangako ko sayong babalik din ako kapag okay na ang lahat. Ipapangako kong hahanapin kita at magpapaliwanag ako sayo pagbalik ko" sabi ko sa sarili ko
-END OF FLASHBACK-
Umuwi na muna ako sa bahay para magpahinga at para ihanda ang sarili ko sa pagpunta sa burol ni Jae, kahit hindi ko kaya ay pipilitin ko matagal na kaming hindi nagkasama at hindi nagkita kaya kailangan kong pilitin ang sarili ko na magpunta baka sa pamamagitan nito ay mapatawad niya ako sa lahat ng pagkakamali ko sakanya
Joshua's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ni ate hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito. Pagpasok ko napaiyak na lang ako at hindi ko alam ang gagawin ko hindi ko matanggap, napakasakit mawalan ng ate, bakit si ate pa?, bakit hindi na lang yung ibang tao na walang ginawa kundi magnakaw, pumatay at kung ano ano pa, sana kapag humiling ako sa diyos na ibalik si ate, mababalik pa siya kaso hindi na eh malabo na. Bumaba na ako para tumulong dahil huling lamay na ni ate ngayon kaya sobrang daming tao kahit pagod na pagod kailangan kumilos, para kay ate gagawin ko lahat. Maya maya pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng damit dahil natapunan ako ng kape, imbis na magpalit hindi ko alam bakit napaupo ako sa kama at parang may nagsasabi sa akin na kunin ko yung notebook sa side table ko at halungkatin ito kaya ginawa ko naman at nanlaki mata ko nung may nakita akong mga sobre kaya kinuha ko ang mga ito at mas lalo akong nanghina at naiyak nung nabasa ko kung sino nagsulat noon. Si ate yung nagsulat non at parang handa na talaga siyang mawala, kasi lahat ng mahal niya sa buhay ay sinulatan niya mayroong sobre para kay mama at papa, para kay kuya Zaiden, kay kuya Gian at para kila ate Kira, ibibigay ko na lang to bukas sakanila pagkatapos ng libing ni ate. Masakit kapag iisipin kong bukas hindi na namin makakasama si ate pero kailangan ko magpakalakas para kila mama at para na rin kay ate
-------------------
Thank you!