Chapter 7

1105 Words
Zaiden's POV Maaga akong gumising para makapaghanda sa pakikipagkita kay Jae, pagkagising ko dumiretso agad ako sa banyo para maligo habang naliligo napapaisip pa rin talaga ako tsaka kinakabahan sa kakalabasan ng pagkikita namin pero sana maging maayos at sana makinig siya sa mga paliwanag ko nang matapos na ako maligo nagbihis na ako at nagpatuyo ng buhok nung maayos na ako lumabas na ako ng kwarto para makasabay kila mommy kumain ng breakfast "Good morning po!" Masayang bati ko habang naglalakad papunta sa hapag kainan "Good morning din anak, ang aga mo ata gumising ahh" pang aasar ni mommy "Excited na excited ka atang makita siya kuya hahaha" pang aasar naman sa akin ni Mitch "handa ka na bang makausap siya?" Dugtong niya "Wala naman akong magagawa kundi ang ihanda ang sarili ko kasi kahit hindi naman ako handa wala din naman ako magagawa kundi ang kausapin at puntahan pa rin siya diba?, naeexcite ako pero may halong kaba, hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga what if's eh pero wala naman ng choice eh" mahabang pagpapaliwanag ko sakanila, tinapos ko na lang yung pagkain ko para makaalis na para hindi ako gabihin, mukhang malayo pa naman tong bahay nila, sana lang nandon siya sa bahay nila para hindi sayang yung effort ko sa pagpunta sakanila "Alis na po ako" pagpapaalam ko sakanilla "Sige, mag iingat ka ahh itext o kaya tawagan mo na lang kami kapag nagkita o nag usap na kayo" sabi sa akin ni daddy "Ingat ka kuya, ipagdadasal kita na sana bigyan ka niya ng lakas ng loob na kausapin si ate Jae hahaha" asar ng kapatid ko "Sige na anak lumakad ka na, baka abutin ka pa ng gabi sa daan" sabi ni mommy na parang nag aalala sa akin, pagkatapos ng paalamanan lumabas na ako at sumakay sa kotse ko hindi ko alam kung saan itong address na hawak ko pero magtatanong tanong na lang siguro ako o kaya mag wewaze na lang ako pero sana naman wag ako iligaw ni waze madalas pa naman ako ligawin nito pero ngayon magtitiwala na muna ako sakanya kung maligaw ako edi magtatanong tanong na lang ako sa madadaanan ko, nagsimula na ako magdrive nang magdrive. Maaga pa naman kaya hindi gaanong traffic isa din sa dahilan kung bakit gusto ko umalis sa bahay ng maaga eh dahil wala pang traffic nagdadrive lang ako nang nagdadrive sinusundan ko si waze nang may matandang tatawid kaya bumaba ako sa sasakyan ko para matulungan siya nung naitawid ko na sumakay na ulit ako ng kotse ko at nagdrive ulit nakikita ko naman kay waze na malapit na ako kaya nararamdaman ko na naman yung kaba ko palapit nang palapit mas tumitindi yung kaba ko pero wala na akong magagawa eh nandito na to haharapin ko na lang. Nang nakarating na ako sa harap ng isang bahay simple lang naman ito kung titignan mo hindi gaano kalaki pero sapat na sa iisang pamilya, tinignan ko ulit yung papel na hawak ko at binasa ko ulit yung address na nakasulat doon chinecheck ko kung tama ba yung napuntahan kong bahay baka kasi mamaya mali naman pala mahirap mapahiya pero buti na lang at tama, huminga ako ng malalim at hinahanda na yung sarili ko sa pagkatok sa pinto nagdasal pa ako pampalakas ng loob kaya sana effective. Okay nandito na ako sa harapan ng bahay nila makikita ko na siya, kaya ko to! hindi ako aatras makakausap ko na rin siya, pang momotivate ko sa sarili ko "Tao po" banggit ko habang kumakatok sa pintuan nung walang nagbukas kumatok ulit ako pero nakailang katok na ako wala pa ring nagbubukas "Iho, sinong hinahanap mo? Walang tao diyan, kanina pa kasi kita nakikitang kumakatok diyan eh" sabi sakin nung matandang babae "Ay, ate dito po ba nakatira si Jaezelyn Guevarra?" Pagtatanong ko "Ay oo iho diyan nga, bakit anong kailangan mo sakanya?" Tanong sa akin ni ate na para bang may gagawin akong masama kung makatingin "Ay kasi po matagal ko na po siyang hinahanap, ako po yung kababata niya ngayon lang din po kasi ako naglakas loob na puntahan siya eh natatakot po kasi akong makausap siya baka kasi po galit yon sa akin eh" pagpapaliwanag ko kay ate "Ay, ganoon ba? Ikinalulungkot kong sabihin na nasa ospital siya nawalan ng malay nung nagpunta siya sa condo nung kaibigan niya" malungkot na sabi sa akin ni ate na parang naiiyak na "Bakit po naospital? Ano pong sakit niya? Anong nangyari po bakit nawalan siya ng malay?" Sunod sunod na tanong ko kay ate nag aalala kay Jae, kailangan ko pa siyang makausap hindi pwede ito "Puntahan mo na lang ibibigay ko sayo yung pangalan ng ospital at ikaw ang umalam kung ano nangyari, wala ako sa posisyon para sabihin kung ano sakit niya eh" pagpapaliwanag naman sa akin ni ate Pagkaabot sa akin ni ate nung papel na may nakasulat na pangalan nung ospital sumakay agad ako sa kotse ko pero natatakot ako magdrive papunta sa ospital, natatakot ako sa makikita or malalaman ko may nararamdaman akong kakaiba eh, pero sana mali itong naiisip at nararamdaman ko kasi hindi pa pwede, madami pa ako pwedeng ipaliwanag sakanya, madami pa ako gustong gawin kasama siya, gusto ko pa siya mapasaya, gusto ko pa siyang makasamang maggala. Kahit madami akong naiisip wala akong magagawa kung hindi puntahan yung ospital para masigurado ko yung nararamdaman ko medyo malayo yung ospital kaya mas lalo akong kinakabahan "Lord, kung ano man po nangyari kay Jae please po baka po pwede ko pa siyang makita hindi po ako matatahimik kung hindi ko po siya makakausap at makakasama madami po akong pagkukulang sakanya kaya sana po hayaan niyo po ako na mapunan yung mga pagkukulang ko sakanya, gusto ko din po matupad yung mga pangako ko sakanya noon na hindi ko pa po natutupad, bigyan niyo pa po kami ng pagkakataon na magkita at mag usap please po, hindi ko po alam bakit po ako umiiyak ng ganto sa inyo ni hindi ko din po alam nangyayari sakanya, hindi ko po alam kung may sakit ba talaga siya pero ang lakas po ng pakiramdam ko na may nangyayaring masama eh pero Lord please po kahit ngayong araw lang po pagbigyan niyo po ako na makasama siya" pagdadasal ko habang nagdadrive hindi ko din namalayan na tumutulo na luha ko, bigla akong nagsisi, sinisisi ko sarili ko kasi kung nagpunta agad ako hindi siguro ganto maaabutan ko, makakausap ko pa siguro siya, makakasama, mapapasaya, at matutupad ko pa sana yung pinangako ko sakanya kaso mukhang malabo na eh ------------------------ Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD