Chapter 6

1048 Words
Zaiden's POV Pagkalabas ko ng elevator doon lang ako napa isip na sobrang pamilya sa akin nung babae nakakainis lang dahil hindi ko man lang naitanong pangalan niya ilang beses na kami nagkakasalubong pero ni isang beses hindi ko naitanong yon, pero bakit nga ba pamilyar siya sa akin? Saan ko ba siya nakita? O nakita ko na kaya siya? Pero sabagay hindi naman magiging pamilyar sa akin yon kung hindi ko pa nakikita yon eh. Naiisip ko yan habang naglalakad ako sa condo ni Arlo pagkadating ko sa harapan naka ilang katok pa ako bago niya pagbuksan lutang naman akong pumasok sa condo niya. "Oh bro bakit ganyan itsura mo? Para kang namatayan" tumatawang sabi sa akin ni Carl "Oo nga men may nangyari ba sayo? Tsaka bakit bigla kang nagpa meeting ano meron?" Pagtatakang tanong naman sa akin ni Mark "Wala, ayos lang ako wag niyo akong intindihin kaya ko lang naman kayo tinawagan para bigyan ako ng advice kasi hindi ko alam gagawin ko" malungkot kong sabi "Bakit ba ano ba nangyari?" Tanong sa akin ni Arlo "Ganto kasi mga bro, alam niyo naman siguro na matagal ko ng hinahanap si Jae diba?, tapos ayon nga hindi ko akalain na pinapahanap din nila daddy yon tapos kanina lang ginising ako nila mommy para sabihin na alam na nila kung saan nakatira si Jae binigay pa nga nila sa akin yung address eh pero natatakot akong puntahan eh, baka mamaya ayaw naman pala niya akong makita o kaya makausap kaya ako nandito para humingi ng tulong kasi hindi ko alam gagawin ko eh gusto ko naman siya makita pero natatakot ako na baka ayaw niya naman pala ako makita, tsaka hindi ko natupad yung pinangako ko sakanya na hindi ko siya iiwan baka nga nagtatampo na sa akin yon eh" mahabang pagkukwento ko sakanila "Alam mo bro? Kung ako sayo puntahan mo na siya kesa isip ka diyan nang isip kung ano magiging reaksyon niya, paano mo naman nasabi na ayaw ka niya makita?, na ayaw ka niya makausap syempre gusto ka din noon makita, kaibigan ka nun eh kaya kung ano sasabihin mo sakanya papakinggan non, baka nga hinahanap ka din noon kaso hindi niya lang din siguro alam kung nasaan ka" pagpapaliwanag sa akin ni Arlo "Oo nga men puntahan mo na siya baka nag aantay din yon sayo" sabi ni Mark "Huwag ka panghinaan ng loob kung ano man ang mangyayari sa pag uusap niyo nandito lang kami para sayo handa kang damayan, tsaka wag mo iisipin yung mga outcome ng gagawin mo ang isipin mo makakausap mo na siya ito na yung pagkakataon para makausap siya, tsaka naniniwala ako na inaantay ka lang non na hanapin din siya, malay mo nagkita na pala kayong dalawa somewhere pero hindi mo lang alam hahaha, sige na puntahan mo na siya at sana magkausap kayo ng maayos at sana din matupad na yung mga pinangako niyo sa isa't isa hahaha" pagpapagaan ng loob sa akin ni Carl "Sige mga pre maraming salamat sa inyo, masyado niyo akong pinapaiyak sa pang momotivate niyo sa akin na kitain si Jae" madrama kong sabi sakanila "Wag kang umiyak pre, bakla ka ba?" Pang aasar ni Carl "Wag kang magdrama oy hindi bagay sayo hahaha" pang aasar din ni Arlo "Oo nga pre wag kang babakla bakla ahh, walang bakla sa tropa natin, ay teka baka bakla ka? Ayaw mo lang umamin? Pang aasar ni Mark habang nagtatawanan silang tatlo dahil nagkakasundo sundo sa pang aasar sa akin "Gago kayo, hindi ako bakla sige na aalis na ako, bukas ko na lang siguro siya pupuntahan" pagpapaalam ko sakanila sabay tayo para umalis na Nagdrive na ako pauwi pero nakaramdam ako ng gutom kaya nag drive thru na lang ako sa McDo umorder lang ako ng burger tsaka Iced coffee pagkakuha ko ng order ko nagparking lang ako saglit sa tabi para kumain pagkatapos ko kumain nagdrive na ulit ako pauwi "Nakauwi na po ako" sabi ko kila mommy nung nakita ko silang kumakain "Oh, kamusta naman pagkikita niyo ni Jae? Anong nangyari? Okay na ba kayo? Hindi ba siya nagalit sayo? Nagpaliwanag ka ba sakanya kung bakit ka nawala?" Sunod sunod na tanong sa akin ni daddy, inilapag ko gamit ko sa sofa na malapit sa akin tsaka ako nagpunta sa lamesa at umupo para kausapin sila hindi na ako kakain dahil busog pa naman ako "Hindi po ako nagpunta kila Jae dad, kila Arlo ako nagpunta nanghingi lang ako sakanila ng kaunting advice tsaka lakas ng loob" pagpapaliwanag ko sakanila habang nakatungo "Eh, bakit hindi ka pa dumiretso kila Jae? Binigay na namin address sayo ahh? Anong problema pa? Alam kong hindi ka pa handa kausapin siya pero ihanda mo na sarili mo hindi mo alam baka mamaya huli na ang lahat, hindi naman sa tinatakot kita ahh pero sana naman wag mangyari, kaya kung ako sayo anak puntahan mo na siya, wag kang duwag kalalaki mong tao hindi mo siya maharap harap" pangangaral sa akin ni mommy "Opo, pupuntahan ko po siya bukas na bukas sana nga po magkita na kami tsaka handa na rin po ako sa sasabihin niya sa akin kahit masakit pa tatanggapin ko kasi ako naman may kasalanan eh" malungkot kong sabi sakanila sabay tayo para umakyat na sa kwarto ko at makapagpahinga Pagka akyat ko naligo lang ako saglit, pinatuyo ko na rin buhok ko at nahiga na sa kama ko hindi ko pa rin maiwasan na matakot para bukas handa na rin naman na ako eh pero hindi ko alam kung bakit ako natatakot ng ganito, sana naman ayos lang siya, sana naman walang nangyaring masama sakanya dahil hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyari sakanyang masama. Lord please po sana walang masamang nangyari sakanya dahil gusto ko pa po siya makausap, hindi pa po ako nakakapagpaliwanag sakanya Lord, bigyan niyo din po ako ng lakas na harapin siya bukas kasi pakiramdam ko po na hindi ko kakayanin kapag nakausap ko siya ng harap harapan pakiramdam ko manlalambot ako at hindi makakapagsalita kaya sana po bigyan niyo po ako ng lakas at sana po ayos lang siya, pagkatapos ko mag isip isip at magdasal bigla na lang akong nakatulog siguro dahil sa sobrang pagod at pag iisip ----------------------- Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD