Chapter 1

1042 Words
"Ma nakauwi na akoooooo" hiyaw ko sa mansiyong bahay namin pagkauwi ko, charot lang may kaya lang kami kaya hindi namin afford bumili ng malamansiyong bahay. "Jae bumili ka nga ng ice water sa labas dahil wala tayong malamig na tubig dahil nasira na naman ref natin eh, hindi ko pa napapaayos dahil may sakit daw yung taga ayos natin" daldal ng ina ko, dami pang sinabi pwede namang sabihin na lang na bumili ako ng ice water dahil walang malamig kailangan pa ba ikwento lahat lahat bago bumilli ng ice water? Lumabas na ako pagkalapag ko ng bag at pagkapalit ko ng damit nagsuot lang ako ng oversized shirt tsaka maikling shorts alangan namang mag gown pa ako papuntang tindahan para bumili lang ng ice water "Ate pabili nga po ng ice water" sabi ko sa nagtitinda gusto ko pa sana sabihin sakanya yung pagkasira ng ref namin kaso wag na lang baka mabwisit siya sakin hindi pa ako pagbilhan, pagkabigay sakin ni ate tumalikod na ako para umuwi, habang naglalakad ako ay may bigla na lang ako nakabungguan "Ay s**t, sorry hindi ko sadya" ani ko kasi hindi ko naman alam na may tao pala pagtalikod ko "WTF, can you please watch your step? ano ba naman yan paano na ako makakapasok nito kung basa itong damit ko? Nagmamadali pa naman din ako dahil may meeting" sabi naman nung lalaking nabunggo ko "Pasensya na hindi ko talaga sinasadya, sorry, sorry" sabi ko naman sakanya habang nakayuko dahil sa sobrang hiya "Ano na gagawin ko nito? Lumayas ka na nga lang sa harapan ko, bwisit" sabi naman niya Napakasungit naman non tapos ang arte arte pa akala mo naman gwapo eh hindi naman, akala mo naman naputikan damit niya kung magreklamo eh kaunting tubig lang naman yon, pwede naman niyang patuyuin, AISH NAIINIS AKO SAKANYA! Umuwi na lang ako kahit wala yung ice water kasi sakto lang yung dala kong pera babalik na lang ako maya maya para bumili ulit tsaka para sigurado na din na wala na yung letcheng maarte na lalaking yon "Oh nasaan yung ice water na pinapabili ko?, ininom mo ba lahat?" Sabi ng ina ko pagkakita sa akin "Wala ayon binuhos ko doon sa masungit at maarteng lalaki na nakita ko" inis na sabi ko "Aba, bakit mo naman binuhos eh malamig iyon tsaka sayang pera hindi ka talaga nag iisip, aba sige bumalik ka doon at bumili ulit" galit na sambit ng nanay ko "Sana naman wala na doon yung lalaking maarte, panira talaga ng araw iyon" bulong ko sa sarili habang naglalakad patindahan. Nakahinga ako ng maluwag nung wala na yung lalaking kinaiinisan ko "Oh, iha bakit ka bumalik?" Sabi ni ate na nagtitinda "Ah, kasi po natapon po yung water eh may nakabungguan po kasi ako" paliwanag ko "Ay, ganoon ba? Sige bigyan ulit kita ng ice water" sabi ni ateng tindera "Sige po, ganon po ulit" sabi ko "Thank you po" sambit ko kay ate pagkabigay ng ice water Sana wala na makabangga sa akin napapagod na ako pabalik balik sa tindahan wala pa akong pahinga pagkauwi ng school tapos madami pa akong kailangang gawin "Ay letche" inis kong sabi nung nabitawan ko na naman ang ice water, padabog akong naglakad papunta sa kotseng huminto dahil siguro akala niya may nasagasaan ito, kumatok ako sa bintana nilakasan ko nga para dama niya yung galit ko sakanya, pagkabukas ng bintana ay mas lalo akong nabwisit sirang sira na araw ko sisirain niya pa talaga ng tuluyan "IKAW NA NAMAN?!" Sabay na sambit namin "ANO BANG PROBLEMA MO? MAY GALIT KA BA SAKIN? KANINA MO PA AKO BINABANGGA AHH?!, SIRANG SIRA NA ARAW KO DAHIL SAYO ALAM MO BA YON?" KAKABWISIT KA ANG ARTE MO PA KALA MO NAMAN NAPAKAGWAPO MO BAYARAN MO NGA YUNG TUBIG NA NALAGLAG DALAWANG BESES NA AKONG PABALIK BALIK SA TINDAHAN PAGOD NA AKO PAGKAUWI KO DUMIRETSO AKO TINDAHAN PARA BUMILI NG TUBIG DAHIL SIRA ANG REF NAMIN TAPOS MADAMI PA AKONG SCHOOL WORKS NA DAPAT GAWIN TAPOS BABANGGAIN MO LANG AKO? ANO WALA KANG KONSENSYA? MAGSALITA KA DIYAN HOY ANG DAMI KO NA NASABI IKAW NAKATUNGANGA KA LANG DIYAN" pasigaw na sabi ko sakanya dahil galit na galit na ako "Don't shout at me, you don't even know me, how can I even talk if you continuously shouting? But no worries I can pay for the damage" kalmadong sabi nito sakin habang ako bwisit na bwisit sakanya "Here, take it" abot niya sa akin ng 1,000 pesos "Aanhin ko ito?" Takang tanong ko sakanya "Just take it, BTW I have a meeting so I need to go bye" sabi niya sa akin sabay paharurot ulit ng sasakyan "Napakalaki naman nito eh magkano lang naman ang ice water ahh, babalik ko na lang yung sukli sakanya kapag nagkita kami, pero hindi ayoko na siya makita baka masira na naman araw ko kapag nakita ko yung lalaking yon" sabi ko sa sarili ko "Oyyy, sino kausap mo diyan? Kanina ka pa nagsasalita mag isa nababaliw ka na ba? hahahaha" sabi sakin nang kaibigan ko na si Gian habang tumatawa ito "Ano ba? Hindi ako baliw no, may nakabunggo kasi ako na masungit at maarteng lalaki tapos natapon pa yung tubig na pinabili sakin ni mama eh naka dalawang balik na ako sa tindahan, pangatlong balik na pala to" paliwanag ko sakanya "Hayaan mo na yon, alam mo naman ang mga lalaking mga mayayaman mga mayayabang din, naks magkatunog yon ahh hahahaha" tawa nito sa sariling kalokohan "Sige na Jae, uwi na rin ako madami pa akong kailangan gawin eh, bye" sabay halik sa noo ko, gulat ako sa paghalik niya kasi hindi naman siya humahalik sa akin kapag nagpapaalam siya sakin eh, haist hayaan ko na nga lang itatanong ko na lang bukas pagpasok kung may meaning ba yon, jusko ang issue ko talaga "MA, NANDITO NA ULIT YUNG ICE WATER AT SA WAKAS AFTER 123456789 YEARS NABILI KO NA DIN" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay namin nilapag ko lang yung ice water sa lamesa at diretso higa ako sa sofa namin dahil sa sobrang pagod, hindi na ako nakakain at nagpahinga na lang ako saglit. Nag alarm na lang ako para makagawa ng school works. -------------------------- Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD