Chapter 1
"Anak, huwag mong kalimutan… ang tanging hiling namin ay makita kang masaya," my mother’s voice echoed in my ear as soft and warm like a lullaby.
Nagising nalang ako sa ingay na narinig ko galing sa pantry ng opisina. Nakaidlip pala ako kakahintay sa boss kong ang hilig mag overtime, aba ay sinasali pa ako sa pagod na pinag gagagawa n'ya, eh wala naman na akong ganap at talagang nag hihintay nalang sa kanya kung hanggang kailan sya matatapos. Mukhang ako muna ang matatapos bago sya.
"Mr. Calloway, Sir?" banggit ko habang lumalakad palapit sa pinang gagalingan ng ingay. Abay awat nalang kung multo ang nagpaparamdam dahil hindi na kasama sa trabaho ko ang makakita pa ng hindi dapat makita ng mata no.
"Sir? may kailangan po ba kayo?" wala talagang nasagot eh, kabado bente naman ako dito alas otso palang ng gabi maaga pa naman para mag multo ang mga kaluluwa dito sa opisina. Wala naman na kaming kasama kaya sure ako na ang boss ko ang nag iingay sa pantry.
Naglakad ako papalapit, bawat hakbang parang kumakalabog sa sahig na tahimik. “Sir? May kailangan po ba kayo?” ulit ko, pero wala pa ring sagot.
Biglang may bumagsak na baso. Napaigtad ako, halos mabitawan ang cellphone na hawak ko. “Sir, kayo ba ‘yan?”
Pagbukas ko ng ilaw sa pantry, wala akong nakita. Walang tao, walang boss, walang multo—pero may basag na baso sa sahig. Kinilabutan ako.
Bago ko pa maitanong sa sarili ko kung anong nangyayari, tumunog ang cellphone ko. Isang tawag mula sa papa ko.
"Hello? Pa?" tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko.
Sa kabilang linya, may boses na pamilyar pero nanginginig. “Yera… anak… may nangyari.”
Parang bumagsak ang mundo ko sa sahig na basag na baso. Ang bawat salita ay parang kutsilyong tumatama sa dibdib ko.
"Patay na ang mama mo."
Natigilan ako. Ang ingay sa pantry, ang basag na baso, lahat biglang naging walang halaga. Ang tanging naririnig ko ay ang huling alaala ng nanay ko: “Anak, huwag mong kalimutan… ang tanging hiling namin ay makita kang masaya.”
"YERA!!" Nagising ako, hingal na hingal, pawis na pawis. Nasa opisina pa rin ako, nakasandal sa upuan. Panaginip lang pala.
"Panaginip lang…" bulong ko, pero ang bigat sa dibdib, parang totoo. Ang mga salita ng nanay ko, malinaw pa rin sa tenga ko—parang paalala na hindi ko dapat kalimutan.
"You scared the hell out of me, woman." Natulala naman ako habang nakatingin sa boss ko. Na para bang sya ang nananaginip ng masama at pati sya ay hingal na hingal na may tingin ng pag-aalala sa akin.
"Sir? ginagawa mo? at bakit ganyan ka makatingin?" sunod-sunod na tanong ko habang sya nakahawak sa mga balikat ko. Bumontong hininga nalang sya at namewang.
"Nanaginip ka, I was shaking you 'cause you're out of breath. You really did scare me, Yera." sabi niya.
Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. “Pasensya na, Sir. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaganon yung nangyari." sabi ko nalang at tumayo na sa upuan ko.
"Tapos ka na po ba, Sir? Para makapag pahinga ka na po, maaga pa ang first meeting mo bukas." Pag iba ko nalang sa usapan dahil parang sa reaksyon ng boss ko ay tila bay sya ang binabangungot. At feeling ko naman effective dahil nag buntong hininga nalang sya.
"I'm not yet done, but I think I'll finish things tomorrow, you're tired of waiting and you ended up sleeping in my office. I'll admit its my fault so lets go." Ay, parang kasalanan ko ba? lagpas na sa working hours ko kaya, wala naman na akong ginagawa pero pilit na nagpapasama, and as a secretary/Personal Assistant ay gora! Alipin ako ng pera eh ano ba.
Bumaba na kami ng building at nagpaalam na kay manong guard. Habang si Mr. Calloway deretso lang ang lakad papunta sa kotse nya at iniwan ako sa entrance. We'll go our separate ways nga pala. Kita mo 'tong boss ko NAPAKA talaga, pinaghintay ako, ginawa pa akong taga bantay habang sya nagbabasa at pumiperma sa loob ng opisina nya ng mga dokumento. Hindi nalang ako pinauwi.
"Angas ah, walang taxi nadaan." kausap ko sa sarili ko. Aabutin ata ako ng ilang minuto kakahintay sa taxi.
Pansin ko sa araw nato para bang kakaiba at hindi umaayon sa'kin ang araw na'to. Una, na flat ang gulong ng kotse ko. Pangalawa, na late ako kasi nagpatulong pa ako para itulak sa talyer e malayo pa. Pangatlo, may umaway pa sa'kin kanina nagpipilit na kausapin si Mr. Calloway na walang appointment at napag halo-halo ko pa ang mga papeles na dapat ay tapos ng permahan sa hindi pa na permahan. Yung totoo, parang sabog ako ngayong araw sa true lang. OA naman sa malas parang hindi ko narin masisi bakit ako nanaginip ng hindi maganda, dahil narin sa pagod o di kaya naman wala lang ako sa sarili, aligaga ba.
"Yera, get in." biglang tigil ng kotse ni Mr. Calloway sa harapan ko habang palinga-linga ako sa daan kung may dadaan pa bang taxi. "Ako po, sir? Ihahatid nyo po ako?"
"Just get the hell in." kalmado nyang sabi. Pero kailan ba talagang mag mura? Over naman sa mura no. Pumasok na nga lang ako at baka mag bago ang isip, wala pa namang taxi at nakakangawit mag hintay sa wala.
"Second time na'to sir ah, pag hatid nyo po." sabi ko habang pinapaandar na nya paalis ang kotse. Nong una kasi hinatid nya ako kasama yung co-worker ko pero galing kaming team building non, malapit lang daw bahay nya sa apartment ko kaya umo-o na ako. "Yes,since malapit lang naman at mukhang mamaya ka pa makakasakay." sagot nya naman agad at tumango lang ako. At nabalot na ng katahimikan ang paligid.
Habang bumabyahe bigla namang tumunog ang cellphone ko na agad na kinuha ko sa bag.
Unknown Number Calling...
"Hello? Sino 'to?"
"Hello po? Si Yera Ysallero po ba'to?" Sagot sa kabilang linya na nagpakaba saakin na para bang may bumuhos na yelo sa buong katawan ko. Hindi...
"Yes, s-speaking..."
"Ma'am, ang gusto ko pong gawin nyo ay kumalma kayo at ang gawin nyo ay kung nagmamaneho kayo e tab—"
Pinutol ko agad. “Hindi, p-please… deretsohin muna ako.”
May saglit na katahimikan sa kabilang linya, at doon ko naramdaman ang malamig na kaba na gumapang sa buong katawan ko.
"This is D General Hospital. We need you to come immediately… it’s about your parents."
Parang may bumuhos na yelo sa ugat ko. Ang mga salita, kahit hindi pa buo, ay sapat na para manginig ang buong pagkatao ko.
Napatitig ako sa kawalan, hawak pa rin ang cellphone na parang kumakapit sa huling hibla ng normal na buhay ko.
"Yera? What' s wrong?" tanong ni Mr. Calloway na puno ng pag aalala at nanginginig na lumingon ako sa kanya habang bumabagsak ang mga luha sa mata ko na hindi ko na mapigilan pa.
"It’s… it’s my parents, Sir," sagot ko sa pagitan ng hikbi.
"May tawag galing sa ospital… something happened."
Napatingin siya sa akin, seryoso, at sa unang pagkakataon nakita ko ang boss kong laging matatag na parang siya man ay natigilan. Bumuntong-hininga siya, at dahan-dahang sinabi: “Then we’ll go. I'm with you, Yera.”