CHAPTER 2 - THE HEAD CHEF

1688 Words
Nang sumunod na araw pilit ang ngiti ni Irene na pumasok sa trabaho. Isa itong restaurant na pag aari nila Adam, ang Delgado's at siya ang Head Chef dito. Dahil sa talento niya sa pagluluto kaya ito lumago. Hindi niya basta basta maiwan itong restaurant, hindi dahil sa pinagsamahan nila ni Adam, kung hindi dahil sa mga kasama niya sa restaurant na ito dahil naging malapit na sa kaniya ang mga kasama niya dito. "Chef Irene!" bakas ang pag aalala sa mukha ni Chef Frank ng makita siya, Assistant Chef nila ito. Napatingin din sa kanila ang iba pa nilang kasama sa kusina, malungkot man ang mukha ng mga ito. Pero hindi na sila nangahas na magtanong pa sa kaniya, dahil alam ng mga ito ang boundary nila pagdating sa kusina. "Ba't ka pa pumasok, masukista ka ba?" nang iinis na sabi ni Mina ang supervisor ng restaurant, sumunod ito sa kaniya ng makita nitong papasok siya sa kitchen. Kahit naman nang iinis ito alam niyang concern din ito sa kaniya. Alam kasi sa buong Delgado's ang relasyon nila ni Adam kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ganito ang reaksyun ng mga ito. Tanging ang mga tauhan lamang dito sa Delgado's at mga magulang ni Adam ang nakakaalam ng ugnayan nila. Pero kailan man hindi pumayag ang mga magulang nito na isapubliko ang kanilang relasyon. Kahit naman siya noon ay pumayag sa ganitong sitwasyon dahil ayaw niya ding makita ang mukha niya sa mga balita dahil paniguradong manganganib ang buhay niya at baka madamay pa si Adam at yun ang iniiwasan niyang mangyari. "Akala ko nga Chef hindi ka na papasok!" sabi pa ni Chef Frank na may lungkot sa mukha. "Pwede ba naman yun! syempre labas ang trabaho sa personal na buhay ko, tsaka isa pa alam kung busy ngayung araw dahil nakareserve tong resto ayaw ko namang iwanan kayo basta basta." dahilan niya sa mga kasama. "Pero panu ka?" tanung ni Mina. "No worries! Okay lang ako." isang pilit na ngiti ang muling sumilay sa labi niya. "Irene!" Napatigil sila sa pag uusap at agad nagsi alisan ang mga kasama niya ng pumasok sa kitchen si Adam. Humugot siya ng buntunghininga at kinuha ang kaniyang uniform sa locker niya. Lumapit naman si Adam sa kaniyang tabi. "Can we talk?" seryusong tanung nito. "Wala na tayung kailangang pag usapan Adam." seryusong sagot niya. "Irene...i-...i have no choice-" "Enough Adam! alam mung may choice ka..kaya nga namili ka na di ba! kaya puwede ba, lumabas ka na.. can't you see the kitchen is busy right now." sabi niya dito. "Irene.." hahawakan sana nito ang braso niya pero agad niya iyung iniwas. Umayos naman ng tayo si Adam at napabuntunghininga. "Irene..i just want you to know na pumunta ako dito dahil ayaw kung umalis ka dito sa Delgado's." sabi nito. "Just leave Adam, nakakaisturbo ka na dito!" pagtataboy niya kay Adam. Naging seryuso namn ang mukha ni nito na tila nkakaramdam ng pagkapahiya sa mga tauhan. "Ako parin ang may ari nitong Delgado's, i still deserve respect from you and from everyone here!" sabi nito. "Fine!" sagot niya at tinitigan ito ng matalim bago muling nagsalita. "Can you please leave the kitchen now SIR!! so we can start our work....SIR!!" mariin niyang sabi dito. Napatiimbagang naman si Adam bago tuluyang lumabas ng restaurant. Alam ni Irene na hindi siya nito kayang kontrolin pagdating sa branch na ito dahil kahit ang mga staff ay halos sa kaniya sumunod kahit pa si Adam ang may ari. Mas nagtitiwala padin ang mga tao sa pagpapatakbo niya nitong restaurant. "Everyone...Let's start!" sigaw ni Chef Frank, ng makaalis na si Adam. Pumalakpak pa ito para makuha ang atensyun ng lahat. Bahagya siya nitong tinapik sa balikat bago inisa isa ang bawat station sa kitchen nila. Mas lalo silang naging abala ng dumating na ang kanilang mga guest. Isa itong family gathering at ang Delgado's ang piniling venue ng mga ito. Nauna na nilang inihain ang appetizer, pagkatapos ay ang main dish na paniguradong magugustuhan ng mga bisita nila. Si Irene mismo ang nag susupervise sa pagluluto at tsinicheck niya ang bawat pagkaing ihahain nila. Naghahanda na sila ng para sa dessert ng pumasok sa kitchen si Andrew, isa sa mga waiter. "Chef!Chef!" excited na sabi nito ng pumasok. "Anung balita Andrew?" tanung niya dito. Halos naeserve na kasi nila ang mga orders ng guest nila at kahit siya ay naghihintay sa feedback ng mga ito. "Good job! yun ang sabi nung nag pareserve, nagustuhan nila lahat yung sinerve nating pagkain!" nagagalak na balita nito. Narinig nilang pumalakpak si Chef Frank kaya naman natuwa silang lahat. " Okay for the finale....let's serve the dessert to satisfy their cravings!" nakangiting sigaw ni Chef Frank. Agad namang kumilos ang mga kasamahan nila at inihanda na ang panghuling menu. Naramdaman niya ang paglapit ni Chef Fank sa kaniya. "Chef Irene, puwede ka nang magpahinga, kaya na nila Via yung dessert." sabi nito na ang tinutukoy ay ang patissier nila. "Okay lang ako Chef! magpapahinga lang ako pag natapos na natin ang lahat." nakangiting sagot niya. "Masyado ka talagang devoted sa kusina..no wonder na palago mo itong restaurant sa loob lamang ng dalawang taon." kumento nito, kasama niya din kasi ito ng magsimula itong restaurant na ito kaya alam nito ang kaniyang pinagdaanan dito. "As a cook, kitchen is our life at walang silbi ang isang restaurant kung palpak ang kanilang kitchen..dahil ang mga tao bumabalik lamang sa isang restaurant pag nagustuhan nila ang pagkaing inihahain..sabi nga nila A recipe has no soul, So as a cook you must bring soul to the recipe." nakangiting sabi niya kay Chef Frank. "Masyado ka talagang malalim Chef Irene, sa totoo lang kaya mo nang magpatayo ng sarili mung restaurant." sabi nito sa kaniya. Nginitian lamang niya ito at tinuro ang mga nakahanda ng dessert. Kaya naman talags niyang magpatayo kung gugustuhin niya. Pero sinarili na lamang niya iyon. Isa si Irene sa mga naghatid ng dessert sa kanilang guest dahil gusto niya ring personal na marinig ang feed back ng mga ito at mapasalamatan nadin niya. Sinabi na sa kaniya ni Andrew ang table kung saan nakaupo ang taong nag book ng kanilang restaurant. Isa itong babae at mukhang nasa early fourties palang. Bakas sa mukha ng mga kumakain sa lamesang binigyan niya ng dessert ang pagkatuwa ng makita ang kaniyang dala. "Wow! mukhang masarap yung dessert!" kumento ng isa sa mga nakaupo sa table na yun. "Looks like ordinary to me." sabi naman ng isang may edad ng babae. Napangiti siya sa matandang babae at ibinigay dito ang dessert. "Have a taste Ma'am! i loved to hear a word from you after you taste it." sabi niya sa matandang babae. Kinuha naman ng matandang babae ang dessert at tinikman. Pagkatapos ng isang kagat, hindi na muling nagsalita pa ang babae.. dahil muli itong sumubo ng dessert. Napangiti naman ang mga kasama nito sa table at nagbigay ng tumbs up sa kaniya. "Wait! are you the Chef here?" tanung ng babaeng nagbook sa kanila. "Yes Ma'am I am Chief Irene, the head chef of this restaurant." sagot niya. "Thank you so much...for accomodating us..kahit na short notice na kami nag pabook.. your foods are superb, wala akong masabi." natutuwang sabi ng babae. "It's our pleasure to serve you the best recipe that we have Ma'am and in behalf of the whole kitchen staff and the Delgado's I would like to say thank you for choosing Delgado's." Pagkatapos niyang magpaalam sa mga ito muli siyang bumalik sa kitchen. "Nice job everyone... we made another stomach happy today!" nakangiting sabi niya sa mga kasama. Muling nagpalakpakan ang mga ito at masayang ipinagpatuloy ang paglilinis sa kanilang kusina. Pagkatapos ng nakakapagod na hapon, nagpasya ng umuwi si Irene dahil tapus nadin naman ang working hours niya. Nagliligpit na siya ng kaniyang gamit ng pumasok si Mina sa loob ng kitchen at mukhang hindi maipinta ang mukha. "Bakita naman ganyan ang mukha mo Mina?" puna niya dito. "Chef Irene...anu kasi... yung fiance-..este si Ma'am Beatrice Mallari, nasa labas!" sabi nito. Nagkatinginan naman sila ni Chef Frank. "Ako na ang haharap." sabi nito sa kaniya. "No Chef! just stay here, I'll talk to her." sagot niya. Kahit mukhang nababahala, tumango nalang si Chef Frank, para sumang ayun sa kaniya. Napahugot muna siya ng malalim na buntunghiniga bago nagpasyang lumabas. Tulad ng nakita niya nung nakaraang gabi, nakatayo sa harap niya ngayun ang isang mestisang babae. Sa kilos palang nito at pananamit ay halata nang nabuhay ito sa karangyaan. Lumingon ito sa gawi niya ng maramdaman nito ang paglapit niya. "Ms. Mallari." bati niya dito. Tinignan siya ni Beatrice mula ulo hanggang paa, wala man lang kangiti ngiti sa mukha nito. "You are...?" mataray nitong tanung. "I am Irene Elorde, the Head Chef of Delgado's." pagpapakilala niya. "I see, well i just came here to inspect this area, because sooner or later, this restaurant will adopt some changes in your operation." sabi nito at inikot ang paningin sa paligid. Napakunot naman ang kaniyang noo sa narinig. "Changes?" tanung niya. "You heard it! Mallari and Delgado will soon be merged so you should expect changes. Lahat kayo ay susunod sa patakaran ko. If not you are free to go." mataray na sabi nito. "Did Ada-.. i mean Sir Adam agreed on that?" tanung niya dito. "Ofcourse! He will... after the merged of two companies, i will be in charge in all operations of Delgado's Restaurant, so i should expect cooperation from you and your people, if you want to stay! Dahil hindi ako magdadalawang isip na palitan kayo, pag hindi kayo sumunod." sabi nito. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay. Hindi niya gugustuhing maging sunud- sunuran sa iba lalo na sa babaeng ito. Kailangan niyang makausap si Adam tungkol dito. Dahil kung hindi, wala na siyang magagawa para maisalba ang restaurant na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD