Nang makauwi si Irene sa kaniyang tinutuluyang apartment. Agad niyang ibinagsak ang sarili sa sofa dahil sa pagod sa buong maghapon. Saglit siyang napapikit at muling bumalik sa kaniyang isipan kung paano sila nagkakilala ni Adam Delgado.
Walong taong gulang siya noon ng mahiwalay siya sa mga kaklase niya noong may fieldrtrip ang school nila sa isang Zoo. Meron siyang sinundang babae na akala niya isa sa mga teachers nila, pero hindi pala. Naglakad siya pabalik sa pinanggalingan niya pero bigla siyang natakot ng bumuhos ang malakas na ulan. Wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak nalang dahil wala na siyang makitang tao sa paligid. Napaupo siya sa damuhan, yakap niya ang kaniyang dalawang tuhod dahil sa lamig habang umiiyak.
Hanggang sa may naramdaman siyang nag lagay ng jacket sa kaniyang likuran.
Napatingala siya at nakita ang isang batang lalaki na may dalang payong.
"Naliligaw ka ba?" tanung nito.
Tumango naman siya at muling umiyak.
"Huwag ka ng umiyak! sumama ka sakin hahanapin natin ang mga kasama mo." sabi nito.
Tumayo ito at inilahad ang kamay nito sa harap niya. Saglit niya itong tinignan bago iniabot ang kamay niya dito. Napangiti naman ang batang lalaki at magkahawak kamay silang naglakad sa ilalim ng malakas na ulan.
Narating nila ang information office ng Zoo na iyon. Kinausap ng batang lalaki ang babaeng nakaupo sa information desk at nakita niyang lumingon naman ang babae sa kaniya pagkatapos ay may tinawagan ito. Hindi nagtagal dumating ang isang babae at agad niya itong nakilala, ang teacher niya. Mabilis naman siyang nilapitan nito at niyakap, bakas sa mukha nito ang pag aalala. Pagkatapos ay pinupunasan siya ng isang towel.
Nang tumayo ang teacher niya para kausapin ang babae sa information agad niyang hinanap ang batang lalaking tumulong sa kaniya pero wala na ito. Lumapit pa siya sa pinto para tignan kung nasa labas ito ngunit hindi na niya ito nakita. Napatingin siya sa suot niyang jacket at napansin ang bulsa nito. Isinuot niya ang kamay sa bulsa ng jacket ng may makapa siyang isang bagay kaya agad niya itong kinuha sa loob. Nang tignan niya kung ano ito, nalaman niyang isa itong school ID.
Nang basahin niya ang pangalan.
Brix Adam Delgado ang nakalagay.
Simula ng araw na yun, tumatak na sa kaniyang isipan na balang araw hahanapin niya ang batang lalaking yun para mapasalamatan. Makalipas nga ang labing tatlong taon ay muli niya itong nakita sa isang food event. Kung saan ipinipromote nito ang Delgado's Restaurant na noon ay nagsisimula palang sa industriya. Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na mag apply bilang cook sa restaurant nito. Naging malapit naman sila ni Adam at hindi nga nagtagal naging magkasintahan sila. Naging masaya siya para kay Adam dahil nakikita naman niyang pursigido ito sa pagpapatakbo ng negosyo kaya hindi siya nagdalawang isip na tulungan ito ng palihim. Walang nakakaalam na siya ang dahilan kung bakit mabilis na nakakakuha ng supplier ng raw products si Adam at nakakakuha ng investors ang Delgado's. Unti unti na ngang umaangat ang negosyo nito at labis niyang ikinatuwa ng magpropose ito sa kaniya ng kasal. Sinabi nitong ipapakilala na siya nito sa lahat at may itinakda na itong araw para sa engagement party nila.
Nang araw na yun ay excited na siya habang naghihintay kay Adam na sunduin siya nito papunta sa venue ng engagement party nila. Pero ganun nalang ang pagkagulat niya ng dumating ito sa kaniyang apartment at sinabi nitong makikipag hiwalay na ito sa kaniya at hindi na matutuloy ang engagement party nila. Agad din itong umalis ng wala man lang paliwanag. Lalo pa siyang nakaramdam ng sakit ng tumawag si Chef Frank sa kaniya ng gabing yun.
" Chef Irene? nasaan ka na? Hinihintay ka naming makita dito sa party, congrats pala ulit sa engagement niyo ni Sir Adam." masiglang sabi nito.
"P-party?!! Chef.. anung party?!!" maang niyang tanung dahil ang alam niya wala ng engagement party na mangyayari.
"Dito sa Filaro Hotel, inimbitahan nga din kami dito ni sir Adam, hindi namin sinabi sa'yo para surpresahin ka sana namin." sagot nito.
Agad siyang kinutuban kaya nagbihis siya at pumunta sa venue, hindi nga sana siya papapasukin pero ipinakita niya ang ID niya at sinabing staff siya ng Delgado's, tinawagan niya pa si Chef Frank para tulungan siyang makapasok sa loob. Maging ang mga kasamahan niya ay nagulat ng sinabi niyang nakipaghiwalay na si Adam sa kaniya kaya naguguluhan din sila kung sino ang ipapakilala ni Adam sa party na ito.
Hindi nga nagtagal ay tinawag na si Adam at ang magiging fiance nito. Agad pumatak ang masaganang luha sa kaniyang mga mata ng makita ang isang mestisang babaeng nakahawak sa braso ni Adam habang naglalakad ang mga ito papunta sa harap ng maraming tao.
Alam niyang halos mga kamag anak at may kauganayan sa negosyo ng mga ito ang mga bisita ng gabing yun. Tsaka niya nalaman na si Beatrice Mallari ang magiging fiance nito ay anak ng isa sa mga kasosyo ng mga Delgado sa negosyo. Hindi niya na pinatapos ang party na yun at agad na siyang umalis.
Humantong naman siya sa isang kilalang bar ng mga mayayaman. Hindi basta basta nakakapasok sa bar na ito pag wala kang Card ng Skier Bar.
Umupo siya sa harap ng bar counter at mag isang uminom. Matagal tagal nading hindi siya umiinom kaya naman napapangiwi siya sa lasa ng alak. Pero ng masanay na ang lalamunan niya, sunod sunod na siyang nag order.
Nakakailang baso na siya pero hindi padin nawawala ang sakit sa dibdib niya. Patuloy itong kumikirot sa bawat minutong pumapasok si Adam sa kaniyang isipan. Gusto niyang umiyak at magwala pero, hindi niya ginawa..tanging ang pag inom lang ng alak ang nagpapakalma sa kaniyang buong pagkatao. Kung kilan handa na siyang sabihin dito ang lahat at ipakilala ito sa kaniyang pamilya ay ganito pa ang nangyari.
Nang makaramdam siya ng pagbabanyo, umalis siya sa kinauupuan at pinakiramdaman ang sarili. Kaya pa naman niyang maglakad at tumayo ng tuwid. Kaya naman tinungo na niya ang ladies room. Habang naglalakad siya napansin niya ang isang lalaking nakaupo din sa isang sulok ng bar. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata. The guy is undeniably handsome and he looks so manly kahit nakaupo lang ito habang hawak ang isang baso ng alak.
Actually she knows him. He is the famous Chef in the city, Xander Ruiz. Sino ba naman ang hindi nakakakilala dito lalo na sa food industry. But unlike other girls na tumitili pag nakikita ito, she's not one of them. Yes, she admires him being a handsome guy, pero hindi siya nasisilaw sa kasikatan at kayaman nito. Because she is born rich at kaya niya itong pantayan sa pagiging magaling na chef kung gugustuhin niya.
Kaya naman nilagpasan niya lang ito at dumeretso siya sa ladies room.
Pagbalik niya sa kaniyang pwesto nagtaka pa siya ng makita doon si Xander Ruiz na nakaupo narin sa bar counter.
She had another drinks at pakiramdam niya tinatablan narin siya ng alak. Hindi niya alam kung bakit hindi parin umaalis itong si Xander na ito. Kaya naman naisipan niya itong kausapin.
Tutal hindi naman siya kilala nito, she can pretend that she doesn't know him too. She tried to ask him..pero hindi ito sumagot.
Napaangat ang isang kilay niya ng wala man lang itong reaksyon sa mga sinasabi niya. The Xander Ruiz she heard from the news and what she saw in his cooking show is a cheerful guy, pero ang katabi niya ngayun ay parang isang manhid na nilalang. Naisip niya na baka meron din itong problema kaya nandito ito ngayun. Patuloy niya lang itong kinakausap kahit hindi ito sumasagot.
Halos nailabas na niya ang hinaing niya dito tungkol kay Adam. Pero pakiramdam niya hindi padin sapat ang pagkukwento niya dito dahil hindi man lang naibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Nang mapansin niyang aalis na ito, mabilis siyang tumayo at humarang sa daraanan nito. Without a second thought she kissed him on his lips and to her surprise he didn't resist it and he responded to her kisses. Kaya naman mas lalong lumakas ang kaniyang loob. Kung kaya siyang ipagpalit ni Adam sa iba, kaya niya din yung gawin.
"Take me out of here!!" sabi niya kay Xander. Napansin niyang dumilim ang mukha nito, pero buo na ang loob niya.
"Don't do anything stupid! that you'll regret in the end." narinig niyang sabi nito.
"I won't!! help me forget him, kahit ngayung gabi lang." hinawakan niya ang kamay ni Xander at tinignan ito sa mga mata.
May pakiramdam siyang nag aalinlangan ito sa sinabi niya kaya naman muli niya itong hinalikan.
"Can't you do it?" muling tanung niya dito in a provoking voice. Pero nagulat din siya ng bigla itong sumagot.
"I Can!"
Dinala siya ni Xander sa isang malapit na hotel. Pagkapasok palang nila sa loob ng silid ay agad na niya itong siniil ng halik. Naramdaman naman niya ang pag angat ng kaniyang katawan sa ere dahil binuhat siya ni Xander papunta sa kama. Kakaiba ang sensasyung dulot ng mga halik at haplos ni Xander sa kaniyang katawan, para bang nag iiwan ng init ang bawat dampi ng kamay nito sa kaniyang balat. Ni minsan hindi sila umabot ni Adam sa ganitong sitwasyon, tanging halik lang ang napagsaluhan nilang dalawa. Hindi tuloy niya napaghandaan ang ganitong pakiramdam na para bang nakalutang ang kaniyang katawan sa alapaap. Nagpapatangay lamang siya sa bawat galaw ni Xander at hindi na niya namalayan na parehas na silang walang saplot sa katawan. Sa bawat pagdampi ng labi ni Xander sa kaniyang balat ay napapaliyad siya. Lalo na ng sinimulan nitong simsimin ang tuktok ng kaniyang dibdib. Hindi na niya napigilan ang sariling mapaungol dahil doon. Nang maramdaman na niya ang kahandaan ni Xander napapikit na lamang siya at napakagat sa kaniyang pang ibabang labi ng tuluyan na silang naging isa. Alam niyang masakit pero kailangan niyang tiisin dahil sa pagkakataong ito hindi na siya pwedeng umatras.
Nauna siyang nagising kinabukasan, agad niyang hinagilap ang damit at nagsimulang magbihis. Halos patapos na siya ng mapansin niyang gumalaw si Xander.
"You're up." sabi niya dito.
"What do you think you're doing?" nakakunot noong tanung nito
"Ofcourse! I'm leaving." kaswal na sagot niya.
"Take the money!" narinig niyang sabi nito kaya napatawa siya. Anu naman akala nito sa kaniya, kailangan niya ang pera nito.
"I told you to help me forget my ex for one night.. and you did! That's enough... I don't need your money...or anyone's money... i have enough..to start again!" sabi niya dito. Papalabas na siya ng pinto ng muli niya itong nilingon.
"You're great huh! Your woman must be so lucky! kaya hindi ko pinagsisisihan ang nangyari! well thanks for the night." nakangiting sabi niya kay Xander bago siya lumabas ng silid.
Sa totoo lang ng mahimasmasan siya hindi siya makapaniwala sa kaniyang sarili na ginawa niya iyon. Pero sabi nga niya kay Xander na hindi niya iyon pingsisisihan kaya pangagatawanan nalang niya ang ginawa.
Walang nakakaalam kung anung tumatakbo sa isipan niya ngayun. Tatanggapin niyang ipinagpalit na siya ni Adam. Pero hindi doon matatapos ang lahat. Dahil ipaparamdam niya dito ang sakit na nararamdaman niya. Sa tamang panahon, kung kilan nasa tuktok na ito, tsaka niya ito ibabagsak kung saan ito nagsimula.