Binuhat ni Rose ang isang box na nakalapag sa lamesa at binuksan niya iyon. Sa loob non ay may inilabas siyang dalawang pares ng baby boots na kaniyang binili. Hindi niya mapigilan na mapangiti lalo pa at cute na cute siya sa mga boots na 'yon. Unang tingin niya pa lang sa store kanina ay agad niyang nagustuhan kaya naman ay hindi na siya nagdalawang isip na bilhin din iyon. Napakarami ng kaniyang pinamili, na ang bakanteng nursery room kaninang umaga ay halos mapuno na ng mga boxes itong hapon sa dami ng kanilang pinamili. Siguro ay ang sa pagpapaayos na lang ng kwarto na 'to ang kaniyang pagtutuunan ng pansin sa maghapon para naman ay hindi mapunta kung saan-saan ang kaniyang isipan. Umupo siya sa single sofa na nakabalot pa ng plastic upang tignan pa ang ilan sa kaniyang pinamili. N

