Maaring natakot niya si Belinda sa kaniyang ginawa. Ngunit alam niyang tuso ang ginang at alam niyang kikilos ito upang mawala siya sa landas ng mga Buenavista. Kaya naman ay kailangan niyang kumilos habang maaga. Pero hindi lang si Belinda ang kaniyang problema, kundi mismong si Luke at lalong-lalo na ang asawa nito. "Talaga bang na-under ng malanding iyon si Luke?" Iling na sabi niya habang inaalala ang itsura ng napangasawa ni Luke. "Hindi ako papayag na basta na lang akong baliwalain ni Luke dahil sa'yo." Muling sinubukan ni Cindy na tawagan si Luke ngunit hindi pa rin talaga ito tumatawag sa kaniya. Dahil sa ginagawa nito na hindi pagpansin sa kaniya ay tuluyan na siyang nainis ng tuluyan. "Let's see kung hindi ka pa lalabas sa susunod na gagawin ko." ngisi niya bago kinuha ang ka

