Biglang kumabog ang puso ko nang makita ko sa tracker si Adler na huminto sa isang Hotel na halos araw-araw niyang pinupuntahan. Umawang ang labi ko nang maisip na dito niya dinala si Nicolas. Ilang saglit pa narinig ko na kausap niya si Nicolas. Naigtad ako sa upuan dahil ds excitement. "Alam mo bang nahanap na namin kung saan mo tinago ang vault?" boses ‘yun ni Adler. Ilang minuto akong naghintay sa boses ni Nicolas pero hindi ko siya marinig. "Mamatay ang asawa't anak mo, Nicolas...At isusunod ka rin namin...Hindi ka pwedeng mabuhay sa mundong ito. Sa harapan mo mismo, makikita mo kung paano ko patayin ang mag-ina mo. Naintindihan mo ba!?' Natulala na lang ako. Ilang beses akong lumunok. Pinakinggan ang bawat usapan ni Nicolas at Adler. Pero gumuho ang mundo ko nang marinig k

