Hindi naman kami nabigo ni Eugene subalit nahanap rin namin ang pintuan kung saan nasa loob si Nicolas. Kaya namin nalaman dahil sa labas ng pintuan na ‘yun, maraming mga nakabantay na tauhan. May dala silang armas. Mga nasa sampung tauhan ni Adler ang nandoon. Masasabi kong mahirap makapasok sa loob. Ngunit dahil naka planado ang lahat. Kailangan muna naming linisin ni Eugene ang mga nakabantay sa pintuan. Saktong may dumaan sa mismong malapit lang sa pinagtataguan namin na dalawang lalaki. Tig-iisa kami ni Eugene sa pagkitil ng buhay ng dalawang lalaki. Sa mga oras na ‘yun, hindi ko na iniisip kung ilang tao ang mapapatay ko. All I want is to save Nicolas. Palaging tumatak sa isipan ko na ako dapat ang papatay sa kanya, wala nang iba. He need to taste my so much anger. Gusto ko

