Kanina pa ako tulala habang pinag-iisipan ko kung paano ko masalba ang kapatid na nasa kapahamakan ngayon. Binigay na ni Nicolas sa akin ang lahat ng impormasyon tungkol sa pagpunta ko sa kapatid ko. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ang puntahan ito sa malayong lugar. Ilang beses akong lumunok habang nakatitig sa mukha ni Jhonny Ricaforte na nasa litrato. Sino'ng mag-akala na may ganitong mga tao. Hindi man lang sila naawa sa mga batang binibiktima nila. They grabbed the opportunity when the children didn't have any families or relatives, kinukuha nila para mapasok sa kanilang illegal na ginagawa. Hindi ko naman ito basta-bastang mapuntahan lalo na't wala naman akong alam sa pakikipaglaban. Ang huling sinabi ni Nicolas sa akin. "That old man is very dangerous...He will not hesit

