May mga taong marunong nang lumapit, pero hindi na marunong pumasok— dahil ang pusong minsan nang nasaktan ay natutong maglagay ng pader. At ako ang nagtayo ng pader na iyon. Hindi na siya biglang sumusulpot. Hindi na rin siya nagmamakaawa. Kung may isang bagay na nagbago kay Sayven Merl Parker, iyon ay ang paraan ng paggalang niya sa espasyong minsan ay hindi niya kayang intindihin. Nag-iiwan siya ng kape sa lobby ng publishing house—walang note, walang pangalan. Alam ko lang na siya iyon dahil alam niya kung paano ko iniinom ang kape ko: walang asukal, may kaunting gatas. Hindi ko ito iniuwi. Pero hindi ko rin itinapon. Isang hapon, nagkasalubong kami sa bookstore. Hindi planado. Hindi scripted. “Hello,” sabi niya, may ngiting maingat. “Hello,” sagot ko, diretso. Walang pi

