Akala ko kapag pinili na namin ang isa’t isa, titigil na ang mundo sa pagsubok. Nagkamali ako. Minsan pala, kapag sigurado ka na— doon nagsisimula ang mga problemang hindi kayang resolbahin ng “mahal kita”. Magkasama na kami ni Sayven. Hindi lihim. Hindi rin palihim. Alam ng mundo. Ako—isang dating babaeng halos wasakin ng sistema. Siya—isang lalaking may apelyidong kayang magpagalaw ng kapalaran ng iba. Sa una, sapat na ang mga simpleng bagay. Kape sa umaga. Tahimik na hapunan. Mga gabing magkatabi pero hindi nagmamadali. Hanggang sa dumating ang unang bitak. “May board meeting ako,” sabi niya isang gabi habang nagbibihis. Tumango ako. Sanay na ako. “Sa Singapore,” dagdag niya. Napatingin ako. “Gaano katagal?” “Hindi ko pa alam,” sagot niya. “Weeks. Maybe months.” Ma

