May mga sandaling hindi ka hinahabol— pero alam mong kapag huminto ka, maaabutan ka ng takot. At sa buhay naming magkasama ngayon, walang sigurado maliban sa katotohanang wala na kaming matatakbuhan. Sa isang liblib na bayan kami napadpad. Walang mall. Walang signal minsan. May dagat sa dulo ng kalsada at mga taong sanay manahimik. Nangungupahan kami ng maliit na bahay— isang kwarto, isang bintana, isang mesa na may lamat sa gitna. Doon unang naging malinaw ang lahat. Si Sayven— walang titulo, walang apelyidong sandata, walang perang maipapagtanggol sa sarili. At ako— ang babaeng kailangang tumayong buo para sa aming dalawa. Nagtrabaho ako sa maliit na eskwelahan bilang part-time teacher. Hindi iyon pangarap— pero sapat para mabuhay. Si Sayven naman, unang beses

