“Ga.” “G-Ga.” “Bakit para kang kambing?” Hinampas ko si MJ dahil sa pang-aasar niya sa ‘kin. Tawang-tawa naman siya dahil dito. Paano kami magiging mag boyfriend at girlfriend kung 'di namin magawang seryosohin ang isa't isa? “Kailangan ba talaga may tawagan pa? ‘Di ba pwedeng tawagin na lang natin sa pangalan ang isa’t isa?” Bumuntong-hininga ako sabay sandal sa sofa. “Normal sa mag boyfriend at girlfriend ang endearment. Kahit nga kaming magkakapatid ay may endearment kay Reign, ‘di ba?” aniya. Oo’t ‘babe’ nga pala ang tawag nila kay Reign. Kung sa kapatid nga nila ay may malambing na tawag sila, sa amin pa kaya na magkarelasyon dapat? Kailangan ko lang siguro talagang masanay. Nakakainis dahil wala akong ka-sweet sweet sa katawan. “Tsaka isipin mo rin, one syllable lang ang taw

