“I already gave you a background earlier. Tingin ng mga tao may relasyon kami ni Elijah – mali, tingin nila nilalandi ko si Elijah at inaagaw kay Sienna. Alam mo naman kung gaano sila kasikat ‘di ba?” Huminga ako nang malalim ngayong pinag-uusapan na naman namin ni MJ ang tungkol sa eskandalo. “Oo. Pero dahil lang talaga sa mga pictures? Ano ba kasing ginagawa mo sa tent niya?” “I was just fixing his wire!” “Totoong wire?” “Bwisit ka! Oo! Wire ng headset mic! Sumabit kasi sa pantalon niya!” Ang lakas ng tawa niya kaya siniko ko siya sa tagiliran. Nabitawan niya tuloy ang buhok ko at kinailangang ulitin ang ginagawa. Bakit kasi kailangan pa ng hair extension. “Nililinaw ko lang naman,” pagdadahilan pa niya kaya napairap ako sa kawalan. “Sa tingin mo ba ganuong klase ako ng babae?

