Pagbukas ng elevator, napayuko at natahimik ako. Lalabas na sana si MJ pero agad akong humawak sa laylayan ng kanyang damit. I heard him chuckle kaya kinurot ko pa siya sa tagiliran. Napa-aray naman siya dahil dito. “Stop teasing me,” utos ko sa kanya na agad naman niyang sinang-ayunan. Ibinaba ko pa ang cap na suot ko para matakpan ang mukha ko. Baka kasi makilala ulit ako ng mga Blades. Hindi pa ako sigurado kung tatalab ang pagbabago ko ng ayos. Huminga ako nang malalim at tuluyan nang lumabas ng elevator. Ang sabi naman sa ‘kin ni MJ ay siya na ang bahala mag-asikaso ng tinuluyan kong kwarto pag-alis namin. Itatawag na lang daw niya ang pag check out ko dahil kakilala niya ang may-ari. Minsan niya itong nakilala sa mga events na napuntahan niya noong nagtatrabaho pa siya sa kanil

