Kabanata 81

1882 Words

Hindi ko alam kung gaano katagal na ba ‘ko nasa loob ng banyo. Nanginginig ang buong katawan ko nang isarado ko ang shower. Pinakiramdaman ko ang nangyayari sa labas at dito napansing wala nang kumakatok sa pinto at tumatawag sa pangalan ko. Parang wala na ring nagkakagulo sa kwarto. Kaya naman kahit mabigat pa rin ang dibdib, dito lang ako naglakas-loob tumayo at lumabas ng banyo. Akala ko’y mag-isa na lang ako sa kwarto nang paglabas ko, naabutan kong naghihintay si MJ sa ‘kin. Nakaupo siya sa tabi ng pinto ng banyo at nakayukyok. Nang marinig ako’y agad siyang nag-angat ng tingin at tumayo. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya nang makita ang estado ko kaya naman tumitig na lang ako sa sahig. At para bang nahulaan niya kung anong ginawa ko sa loob, inabutan niya ‘ko ng towel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD