Nahirapan akong huminga. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ako nananaginip. Totoong wala akong suot na kahit ano at tanging kumot lang ang nakatakip sa buong katawan ko. Nasa loob ako ng kwarto na ngayon ko lang nakita – hindi ko alam kung saan ‘to o kung paano ako nakarating dito. Sinubukan kong pakiramdaman ang sarili. Bukod sa takot na bumabalot sa buong pagkato ko, masakit ang ulo ko at nanghihina ang buong katawan. I let out a sigh of relief when I felt nothing weird or sore in my body. I just want to believe that no one touched me while I was out of it. Ito lang ang mapanghahawakan ko upang ‘di ako tuluyang mawala sa sarili. Bumangon ako habang mahigpit ang hawak ng dalawang kamay sa kumot. Nakita ko agad ang mga damit kon

