“We just have mutual friends. But we’re not friends.” Dinagdagan ko pa ang sagot ko sa tanong ni Alexa para mas maging malinaw ito. At hindi ko alam kung paranoid lang ba ‘ko o sadyang natahimik ang lahat dahil dito. May ibang bisita pa kasi malapit sa sofa kung nasaan kaming lima. Kasali na rito si Polly at iba pang newbie artists. Pansin kong nag-uusap sila kanina pero nang magsalita ako’y agad natahimik. I can’t blame them though. Sa sobrang boring ng party na pinuntahan namin, for sure they were tempted to listen to our conversation na hindi naman private in the first place. “Ouch. I thought we’re friends. But thanks for clearing that up,” sabi ni Sunny na para bang pinapalabas niyang ako pa ang masama dahil tinuring niya ‘kong kaibigan gayong hindi ito ang tingin ko sa kanya.

