Kabanata 88

2095 Words

Matagal na noong huli akong nagpunta sa club mag-isa. Kadalasan kasi ay may kasama akong kaibigan. Kaya naman bago sa pakiramdam nang makarating ako sa club na madalas puntahan ni Carlos. It has a similar luxurious vibe to Royal Club. Magkapareho rin ng laki. Ang pinagkaiba lang, mas maingay at maraming tao rito. Tuloy ay kinailangan kong ikundisyon ang sarili bago tuluyang pumasok sa loob. Pagkaayos ng suot kong black tank top at tight leather pants, agad kong inilibot ang mga mata sa paligid para mahanap si Carlos. Siya lang naman kasi talaga ang pinunta ko rito. Hindi naman ito naging madali dahil marami ngang tao. Kinabahan pa ‘ko nang maisip na baka wala siya ngayong gabi rito. Ilang minuto rin akong naghanap. At bago pa man ako sumuko, mabuti na lang talaga at matalas ang mga ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD