Kabanata 88.5

2040 Words

Nagpabalik-balik ang tingin nina Iaree at PJ sa amin ni MJ. Kakasarado lang ng Cup of Twist at ngayon ay walang ibang tao bukod sa aming apat. Sa gilid ng mga mata ko’y nakita ko ang pag-inom ni MJ ng hot coffee. Napairap tuloy ako lalo na nang marinig ang nakakairitang tunog ng paghigop niya nito. Maiinis na sana ako ng tuluyan nang makita ko ang paglukot ng mukha niya dahil sa pait ng ininom. Mabilis naman siyang ngumiti para mapagtakpan na hindi niya gusto ang lasa nito. Tuloy ay nag-iwas ako ng tingin, pinagdikit ko ang labi ko para magpigil ng tawa. Ang bilis naman kasi ng karma. Hindi siya mahilig sa kape kaya siguradong ito ang inorder niya para lang makapang-asar. Alam niya kasing kahit pwede akong uminom ng kape ngayong kasama ko siya ay hindi ko ito gagawin. Hindi kaya ng p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD