I am dying to drink coffee. Ang yabang-yabang ko pang may self-control ako pero ang totoo’y hirap na hirap naman ako. Kung hindi sana ako nagmatigas noong pinapainom na ako ni MJ ng kape niya, eh ‘di sana kahit papaano ay kinakaya ko ngayon ng wala ito. Pakiramdam ko kasi tulog pa rin ang diwa ko kahit nakadilat ako. Panay din ang paghikab ko kada ilang minuto. Hindi na nakapagtataka kung ganito man ang nangyayari sa ‘kin ngayon dahil halos araw-araw ba naman ay tatlo hanggang apat na oras lang ang tulog ko. Wala akong tulog nitong mga nakakaaraang araw dahil sa patong-patong na trabaho – nariyan ang concert ni Elijah, mall shows, event promotions, at mga raket ko. Gusto ko naman na marami akong ginagawa kumpara noong nakatengga lang ako. Ang masaklap nga lang kasi ay wala akong kape

