“Ah miss, saan ‘yung CR dito?” tanong ng isang guest sa ‘kin. Tinuro ko naman agad sa kanya ang tamang direksyon papunta sa comfort room bago binalik ang atensyon sa tatlo. Itinikom ko ang bibig ko. Bumigat din ang paghinga ko. Sinubukan kong itago ang nararamdaman ko dahil oras na ipakita ko ito, alam kong ako ang talo. The guest who approached me just now actually reminded me that I’m here for work – that I should be professional. Nasa trabaho ako kaya wala akong panahon sa drama. Kung nasasaktan man ako dahil sa dalawa, kung naiirita man ako dahil kay Carlos, lahat ng ito ay hindi mahalaga sa mga oras na ‘to. You need to activate your self-control, Tiffany. “Tiffany! I didn’t know you’d be here!” maligalig na bungad ni Sunny sa ‘kin. Para bang ‘di niya alintana ang tensyon sa pagita

