Pinaakyat sa stage ang kliyente kong mag-asawa para magbigay ng message sa lahat ng mga guests na nagpunta sa birthday party ng kanilang anak. Makabagbag-damdamin ang background music na ginamit namin. Ngunit nawalan ito ng epekto dahil patuloy pa rin sa pag-iyak ‘yong batang kasama ko ngayon. Kung tama ako ng assumption, kasama niya ‘yung babaeng nagtanong sa ‘kin kanina tungkol sa comfort room. Dahil mukhang hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakabalik. Nakita ko ang seryosong tingin sa ‘kin ng mga kliyente ko. Hindi sila makapagsimula dahil sa ingay. Napalunok tuloy ako at lalong kinabahan. Bilang events coordinator, dapat handa ka sa mga biglaang pwedeng mangyari. But I was never prepared for this kind of situation. Kaya naman ginawa ko na lang kung anong unang bagay na pumasok sa

