“Thank you talaga sa pagtanggap niyo sa raket na ‘to ah,” sabi ko sa kausap kong tech event supplier. “Ay naku! Basta ikaw, walang problema. Malakas ka sa ‘min eh!” Kakatapos lang ng birthday party at ngayon ay nagliligpit na ang lahat. Sa bawat event na hinahawakan ko, talagang sumasama ako hanggang egress. Hindi pa ako umaalis para masiguradong maayos lahat hanggang dulo. Inilibot ko pang muli ang mga mata sa apat na sulok ng function room. Nakita kong bukod sa mga staff na nagliligpit ng mga gamit, may mangilan-ngilan pang guests na natira – may ilang kausap ang mga kliyente ko habang ang iba naman ay nakaupo pa sa lamesa at parang may hinihintay. Napatingin naman ako sa lamesa kung saan nakapwesto sina Sunny at MJ kanina at ngayon ay bakante na ito. Ramdam ko ang pag-ikot ng tyan

