“Pfft—” Pinanlakihan ko ng mga mata si MJ para pigilan niya ang kanyang pagtawa. Napatakip naman siya ng bibig dahil dito. Ang init ng buong mukha ko. Malamang kasi ay masagwa sa ‘kin ang paggamit ng tawagan namin in public. At para bang kinain ko rin agad ang sinabi ko sa kanya na dapat professional lang kami kapag nasa RSE building. “So, bakit nga kayo nandito?” pag-uulit ko ng tanong dahil ‘di pa niya ‘ko nasasagot. Nakangisi ako para pagtakpan ang hiya sa katawan ko. “I was—I mean, we were—wait. I’m sorry,” sabi ni MJ na ‘di na napigilang tumawa ng mahina. Yumuko siya para itago ito pero narinig pa rin ng lahat. Nagbulungan tuloy ang iba niyang mga kasama at napairap na lang ako sa kawalan. Tatalikuran ko na sana siya sa inis ko nang agad niya ‘kong nahawakan sa beywang at nahil

