Kabanata 76.5

1973 Words

Now playing: I Like Me Better by Lauv Nakaupo ako sa countertop at kumakain ng chips. Samantalang si MJ naman ay abala sa pagluluto ng hapunan namin. Gusto ko sanang umorder na lang sa fast food pero ayaw naman niya dahil ‘di raw healthy. Alam kasi niyang halos puro fast food ako last week noong iniiwasan ko pa siya. At dahil mukhang nasa mood din naman siyang magluto kaya hinayaan ko na siyang gawin ito. Ayaw nga sana niya ‘kong pakainin ng chips lalo na’t maghahapunan pa lang kami, pero ‘di niya ko napigilan dahil gutom na talaga ‘ko. “Pahingi nga,” sabi ni MJ pagkatapos kong sumubo ng chips. Talagang binuksan pa niya ang bibig sa harapan ko. Aba’t gusto pang magpasubo. “Sus. Kunwari ka pang ayaw mo nito dahil ‘di healthy,” pang-aasar ko sa kanya sabay salpak ng chips sa bibig niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD