Bago ang Simula

483 Words
“I think I’m in love,” sabi ni MJ sa mga kapatid habang yakap-yakap ang throw pillow sa kanilang sofa. Mistulang nag heart-shaped ang mga mata niya. Sinipa naman siya ni PJ at pilit na pinaalis sa sofa sa hindi na mabilang na beses. Kahit ikalawa sa pinakabatang Valderrama, siga siya at walang kinakatakutan kung umasta. Nasa Batangas sila. Sa bahay kung saan kasama nila ang kanilang mga magulang. Madalang na silang makumpleto simula nang ikasal si Reign, bunsong kapatid nila. Kaya naman kahit inaantok na si PJ ay nakisali pa rin siyang uminom at makipag-bonding sa tatlo. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? In love ako!” pag-uulit ni MJ pero blanko lang ang ekspresyon sa mukha ni PJ. Ilang beses na rin kasi niyang narinig mula sa kapatid ang linyang ito kaya alam niyang magsasayang lang siya ng oras at laway kapag pinansin niya ito. Isang sipa pa ang ginawa ni PJ kaya napilitan si MJ lumipat ng pwesto imbes na makipagtalo. After a successful date, he’s in a good mood so he didn’t want to ruin it. Nahiga naman si PJ sa sofa at pumikit katulad ng palagi nitong ginagawa. “Is this about June’s best friend?” seryosong tanong naman ni TJ, panganay sa kanilang tatlo. Anong oras na pero nakabukas pa rin ang laptop niya, may hinahabol na presentation para sa kanilang kumpanya. “Wait, kuya. In love as in ‘yung tipong gusto mong pakasalan o in love as in you just want to f*ck her?” “BABE!” sabay-sabay na saway ng mga kuya ni Reign sa kanya. Pinagdikit naman niya ang kanyang labi at inosenteng binukas-sara ang mga mata. “What? I’m just making sure I get the context right!” depensa naman niya sa sarili sabay kibit-balikat. Uminom siya ng beer kahit hard liquor ang gusto niya dahil ayaw siyang payagan ng overprotective niyang mga kuya. Siya lang kasi ang nag-iisang babae. “Si Sunny ang tinutukoy ko,” sabi naman ni MJ. Sasagutin pa lang niya ang tanong ni Reign nang unahan na siya ni TJ. “Sinabi ko naman sa ‘yo, MJ. Kung wala kang balak mag seryoso, itigil mo ang paglapit kay Sunny. She’s not like any other women you’ve been with. She’s June’s best friend,” istriktong utos ni TJ. Gusto niyang protektahan si Sunny dahil alam niya kung gaano ito kahalaga para sa babaeng mahal niya. “Paano kung gusto ko siyang pakasalan?” tanong ni MJ. Natahimik ang lahat sa sinabi niya. Maya-maya’y si PJ ang bumasag dito. “T*ngina, ang tagal ng punch line!” Nagtawanan sila dahil alam nilang malabong magseryoso si MJ. Binato naman ni MJ ng unan si PJ, at nang bumangon ito ay nagsimula silang maghabulan sa sala. Nadamay pa sina Reign at TJ dahil sa kagustuhang maawat ang dalawa. Tuloy ay para silang bumalik sa pagkabata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD