Sa Pananaw ni Tiffany

2759 Words
“Mark Joseph Valderrama!” Umalingawngaw ang boses ko sa apat na sulok ng opisina ni MJ. Gigil na gigil kong ibinato sa kanyang lamesa ang dokumentong pinadala niya sa akin. Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay. Kinailangan ko pa talaga siyang puntahan sa opisina niya sa Batangas para lang maramdaman niya ang inis ko. “Uy, chill!” Binitawan niya agad ang hawak na phone na para bang nagawa pang mag text kahit bwisit na bwisit ako. Aba’t ngising aso pa ang loko! “Anong chill?! Paano ako magtsi-chill?!” Sumandal si MJ sa kanyang swivel chair. Closing his eyes, he rested both hands behind his head and spoke again in a relaxed manner. Huminga siya nang malalim. “Ganito lang. Chill ‘di ba?” Hinigit ko ang hininga ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Chill pala ah? Lumipat ako ng pwesto at mas lumapit sa kanya. Bago siya dumilat ay mabilis kong tinakpan ang bibig niya gamit ang isang kamay ko kasabay nang pagpisil sa kanyang ilong! Agad siyang napadilat at nagpumiglas. Sinubukan niyang alisin ang kamay ko pero hindi ko ginawa. Bagkus ay pinatulan ko pa ang pamimilosopo niya. “Ooh, bakit? Akala ko ba chill? Ayaw mong mag chill sa heaven?” Nag baby talk ako para mapikon siya. Siguro’y mahigit isang minuto rin ang lumipas nang makita kong namumula na ang mukha niya at wala na siyang lakas pang lumaban. Dito lang ako bumitiw! Tuloy ay naghahabol siya ng hininga nang bumalik ako sa harapan ng kanyang lamesa. “D-Did you just try to kill me?!” tanong niya habang panay ang pag-ubo, kunwari’y natatakot sa akin. “Oo, kaya lang may sa pusa ka nga pala,” pambabasag ko sa kanya kaya nanlisik ang mga mata namin sa isa’t isa. “Kasi naman, MJ! Why do you have to agree without asking me first?” mangiyak-ngiyak kong tanong dahil sobrang inis na inis pa rin ako. Hinampas ko pa ng isa ang lamesa niya kaya mabilis niyang inusod papalayo ang kanyang swivel chair. Akala mo naman talaga siya ang sasaktan ko! “Ang sabi mo sa akin, kapag may nag offer ng kahit anong trabaho, game ka. How would I know that he’s the only exception…” Aba’t nagawa pang kumanta! Bumuntong-hininga ako imbes na sigawan siya. Parang maha-highblood ako. Minsan nakakapagod na ring magpadala sa inis. Binigyan ko muna ang sarili ko ng ilang segundo, at nakapameywang ako nang muling nagsalita. “Yes, ‘yun nga ang sinabi ko sa ‘yo dahil maluwag pa ako ngayong buwan--” I saw that green look and rolled my eyes. “—maluwag pa ang schedule ko ngayong buwan dahil kakatapos lang ng malaking event ko last month. But, come on! Really? You want me to organize a concert for Elijah Charlesworth?” “Ano namang problema kay Elijah? Ex mo?” Humalakhak siya. As if! Elijah Charlesworth is the most famous British-Filipino celebrity influencer in our country today. Wala yatang kahit isang tao sa Pilipinas ang hindi nakakakilala sa kanya. In fact, from what I know, he also has strong international presence. Lalo siyang sumikat noong nagkaroon siya ng ka-love team at hanggang ngayon ay tanyag pa rin sila kahit mahigit isang dekada na ang lumipas. Paano’y sobrang laki na rin kasi ng fandom na nabuo. Lookalike raw ni Elijah si Robert Pattinson kaya talagang ang daming nahuhumaling sa kanya. But not me. Wala akong interes sa kahit na sino. “Paano kung oo?” Naglaho agad ang ngiti sa labi ni MJ. Maya-maya’y wala siyang sinabi’t basta na lang tumayo at naglakad papalapit sa akin. Tuloy ay napaatras ako at nagsalubong ang kilay, inihanda ko ang mga braso’t kamao ko sa pag-depensa sakaling gumanti siya sa ginawa ko kanina. At naestatwa naman ako nang ipatong niya ang likod ng palad niya sa noo ko. “Kung tingin mo oo, baka kailangan mo nang magpatingin sa doktor,” pang-aasar niya kaya tinapakan ko ang sapatos niya! Napahiyaw at talon naman siya dahil sa ginawa ko. “Sh*t! Libre maging kalmado paminsan-minsan.” “You’re right, he’s not my ex! Kausapin mo kasi ako nang maayos!” I sat down on the couch just behind me and crossed my legs. Sumandal naman siya sa lamesa at humarap sa akin nang maka-recover sa ginawa ko. “Hindi ko maisip kung bakit ayaw mong makatrabaho si Elijah. Siya ang pinakasikat na artista sa bansa ngayon. Mas sikat pa sa kaibigan mong si Ezekiel Suarez.” Mapanuksong tingin ang ipinukol niya sa akin. Kapag nakakakita talaga siya ng pagkakataong asarin ako ay agad niyang kinukuha. Alam kasi niyang minsang nagtangkang manligaw si Ezekiel sa akin pero agad kong tinanggihan kaya naging magkaibigan na lang kami. He’s a singer who quickly rose to fame when he signed with Red Star Entertainment (RSE), one of the country’s leading media and entertainment companies. He’s currently one of their rising stars and I’ve worked with him on several album launches and mall shows before when I started working per project for the same company. “Sikat na kung sikat. Pero ayokong magpa-stress kaya pinipili ko lang talaga ang artistang nakakatrabaho ko.” Simula noong nagtrabaho ako sa RSE bilang project-based event specialist, ang dami kong bagong karanasan na talaga namang ipinagpapasalamat ko. Pero kasali na rin sa mga karanasang ito ang sakit ng ulo. So, if it causes too much stress, I sometimes reject a project and replace it with something else – usually a wedding or a birthday party para masaya. Marami naman akong ibang raket kaya hindi ako nauubusan ng gagawin. “It’s a big concert, Tiffany. A lot of event coordinators all over the country are dying to work on this project. Ang swerte pa nga natin dahil nanduon siya sa event na napuntahan ko. Noong sinabi ko sa kanya ang tungkol sa ‘yo, agad siyang naging interesado. Syempre dahil ibinida talaga kita.” Nagawa pa niyang magbuhat ng sariling bangko. Humalukipkip akong muli at tamad siyang tiningnan. “Nakalimutan mo na ba ang naikwento sa atin ni Quinn tungkol sa kanya?” Quinn is one of our closest friends for years now. He’s a well-known photographer who worked with Elijah before on a magazine photoshoot. Nalaman kong binastos ni Elijah si Quinn at ipinahiya sa maraming tao during that shoot. Gusto lang naman sana ng kaibigan namin magpa-picture sa kanya pagkatapos nilang magkatrabaho tapos ganuon ang inasal niya. Paano ko namang gugustuhing makatrabaho siya? Muntik ko pa nga siyang sugurin kung hindi lang ako pinigilan ni Quinn. If there’s one thing people should know about me, I’m always busy but when it comes to my friends, isang lapit lang nila ay to the rescue talaga ako. Kaya kong ipaglaban ang mga kaibigan ko ng p*****n dahil mahalaga sila sa akin. So, if there ever comes a day when our friendship is at stake, I’m willing to do everything just to save it. Even if it means making sacrifices. “Syempre natatandaan ko iyon. Pero trabaho naman ang pinaguusapan natin dito. Negosyante ako, Tiffany. I told him that you’d take the project because I know it would benefit your career. Once you’re able to successfully organize this event, for sure more projects will come your way.” Napayuko ako at natahimik. Minsan na nga lang may sabihing matino si MJ, ngayon pa talaga. I know what he said makes sense. Hindi rin naman kasi ako ‘yong tipong hinahalo ang kahit anong personal na bagay sa trabaho. Kapag trabaho ay trabaho lang. “Pero kung ayaw mo talaga, I will talk to his manager and inform them—” “Pag-iisipan ko,” pagputol ko sa kanya bago tumayo. He smirked. Kinuha niya ang dokumentong binato ko sa kanya at muling inabot sa akin. Dahil mukha na naman siyang mahangin ay inirapan ko siya nang kuhanin ito sa kanya. “Bye,” sabi ko sabay talikod. At aalis na sana ako nang may pahabol pa siya. “May gagawin ka ba bukas?” tanong niya at luminya agad sa isip ko ang tambak na meetings ko. Sa dami nito ay naglagay na rin ako ng meeting over breakfast, lunch, at dinner. Humarap ulit ako sa kanya at mataray na sumagot. “I can fix my sched. Bakit?” Lumawak ang ngiti sa kanyang labi. Kakaibang saya ang nakita ko sa kanyang mukha. “Nagsabi na rin ako sa group chat pero alam kong masyado kang busy para mabasa kaya sasabihin ko na rin sa ‘yo ngayon kahit na--” “Oh God! Ang dami mong pasakalye. Ang daldal! Ano nga iyon?” Hinawi ko ang mahabang buhok ko papalikod gamit ang isang kamay. Humalakhak siya. Sanay na talaga siya sa ugali kong palaging bwisit sa kanya. “Let’s have dinner together.” “Together?” Nagsalubong ang kilay ko. “Oo. Tayong magkakaibigan.” Bumilog ang bibig ko. “Ah. Bakit? Saan? Anong ganap?” “Sa Bloomfields na lang. Nakapagsabi na ako kay Reign. Bukas ko na lang sasabihin kung bakit.” Bunsong kapatid ni MJ si Reign. She’s happily married now to Daxon Savage, CEO of Savage Enterprises. Nakatira sila sa Bloomfields Subdivision Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni MJ. I really hate surprises and unexpected news. Hindi ko alam kung nadala ko na lang ba ito sa personal kong buhay dahil event coordinator ako. “Any hints?” “Basta! Bukas na lang. Sasabihin ko sa inyong lahat,” sabi naman niya kaya tumirik ang mga mata ko. Napailing na lang ako dahil hindi ko alam kung ano na namang kalokohan ang inihanda niya para sa lahat. Aalis na sana ako nang magsalita pa siya kaya nahinto na naman ako. “Oo nga pala--” “Ano na naman? Kung sabihin mo na kaya lahat ng isang bagsakan?” Nakasibangot na naman ako. “I texted my assistant. Inutusan kong bumili ng iced coffee at glazed doughnut. He’s waiting for you at the lobby--” Nangingiti na ako agad kaya natawa siya bago nagpatuloy. “Pero ‘wag kang masanay na nagkakape palagi. Kumain ka rin ng tama. Baka gusto mong maospital na naman.” “Thank you! You’re the best! Sana ‘yan ang una mong sinabi!” “Paano ko sasabihin sa ‘yo e halos mangain ka nang buhay kanina.” Humalakhak siya, at natawa na lang din ako dahil totoo ang sinabi niya. *** Pagkagaling sa Batangas, dumiretso pa ako sa isang meet & greet event na in-organize ng isang fandom para sa bagets na celebrity. Mabuti na lang at may service van akong dala-dala, van ng RSE, kaya nakarating ako rito as tamang oras. May sarili naman akong kotse pero kapag may mga events ang RSE mas convenient sumabay sa van nila. Hindi rin ako nagutom katulad ng karaniwang nangyayari sa akin dahil sa pabaong kape at doughnut ni MJ as akin. Kape lang at doughnut sapat na sa akin. Nabubusog na ako sa ganito dahil palaging hectic ang schedule ko. Hindi ako nakakakain sa tamang oras. Kilalang-kilala na talaga ako ni MJ. What would I do if I lose a friend like him? Gabi na nang matapos ang event na pinuntahan ko. Nakakatuwa pero nakakapagod. Ganito naman ang pakiramdam ko sa lahat ng events na hinawakan ko. Pero hindi pa rito natatapos ang araw ko kaya natulog ako sa van para makabawi-bawi. Kinailangan ko pang bumalik sa building ng RSE para sa post-event meeting namin last month. Alas-otso na rin nang makapagsimula kami. Karamihan kasi sa amin ay galing naman sa iba’t ibang event promotions – mayroong online, radio, at television. Inaasikaso rin kasi namin ito. Kaya napagkasunduan ng lahat na rito na sa conference room mag dinner nang sabay-sabay. Ang sipag nga ng ilang interns namin dahil talaga nanatili pa sila kasama namin – marahil dahil nag-iipon ng hours. “Oy, beh! Na-text mo na ba ang jowa mo na gagabihin ka ulit ng uwi? Baka manugod na naman ‘yon dito!” tanong ni Sir Edward, event manager ng RSE. Sa kanya kami reporting. Sa department namin ay dalawa ang event specialists, dalawa rin ang event coordinators. Maraming interns na pwede tumulong sa amin. “Ay naku. Maiinis na naman ‘yon. Bahala na lang mamaya,” sabi ni Irene, event coordinator. “’Yung akin nga gusto nang makipag-break,” natatawang singit naman ni Eunice, event coordinator din. “May boyfriend ka pala?” mapang-asara na komento ni Luigi, event specialist din tulad ko. Mas matanda siya ng ilang taon at mas matagal na ring nagtatrabaho sa RSE kaya malakas ang loob mambara palagi. Mas nauna pa si Eunice sa akin pero mas mataas ang pusisyon na ibinigay sa akin dahil sa years of work experience ko. Si Irene naman ay last month lang dito. Pero regardless kung gaano na sila katagal sa RSE, pareho silang may problema sa kani-kanilang love life. Kaya ako, ayaw ko talagang makipagrelasyon. Ang dami ko na ngang iniisip, dadagdag pa ito. Mas gusto kong ituon ang buong atensyon ko sa trabaho. Ito ang priority ko. “Eh ikaw, Tiffany? Kumusta kayo ng boyfriend mo,” tanong sa akin ni Luigi na ikinagulat ko. Binukas-sara ko pa ang mga mata ko para masiguradong ako ang kausap nito. “Wala akong boyfriend,” diretsahang sagot ko nang ‘di kumukurap. Tuloy ay natawa silang lahat sa akin kahit hindi naman ako nagbibiro. “Seryoso nga. Matagal na akong walang boyfriend! Virgin pa nga ako hanggang ngayon eh!” Ang lakas ng tawa nilang lahat. Nasamid pa si Sir Edward sa sinabi ko kaya agad kong inabutan ng tubig. “Jusko day! Hindi mo naman kailangang ipangalandakan! Halata naman!” komento ni Sir Edward kaya tuloy nahihiya kong pinagdikit ang labi ko bago tipid na ngumiti at nag peace sign sa lahat lalo na sa mga interns naming babies pa. Madalas ay hindi ko talaga napipigilan ang bibig ko. Bumalik na lang tuloy ako sa pagkain bago pa may masabing ‘di dapat. “Loka ka talaga, Tiffany! Need mo yata ng magbo-volunteer eh! Ikaw ba, Luigi? Baka interesado ka!” sabi pa ni Sir Edward kaya umalma naman agad ako. “Ows! Maniwala kami? Eh sino ‘yung madalas naming makitang kasama mo?” eksena ni Eunice. Pinaningkitan niya ako nang mga mata. Iniisip yata niyang nagsisinungaling ako para lang makakuha ng atensyon. Napaisip naman ako kung sino ang tinutukoy niya. At napapalakpak nang may isang taong pumasok sa isip ko. “Si MJ ba? He’s my best friend,” casual kong sinabi. Wala naman kasi akong maisip na ibang lalaking lagi kong kasama bukod sa kaibigan ko. “Best friend? Hindi ako naniniwalang pwedeng maging magkaibigan lang ang babae at lalaki.” Si Luigi naman ito. Aalma sana ako kaya lang ay nagsalita pa siya. “Kayo ba guys? Taas ang kamay ng naniniwalang pwedeng maging magkaibigan lang ang babae’t lalaki.” A moment of silence. I raised my hand. Walang nagtaas pwera sa akin. Nagkibit-balikat si Luigi. Mukhang masayang-masayang napatunayan niyang tama ang sinabi niya. “See? For sure your friendship wouldn’t last.” Napaisip naman ako. Inihawak ko ang kamay ko sa labi bago nagsalita. “Well, actually you have a point. But it depends.” Tiningnan ko nang diretso si Luigi at ngumisi. “Ako ba ‘yung babae?” Iba’t ibang reaksyon ang narinig ko sa kanila. Mabentang-mabenta yata akong topic ngayong gabi kaya tumawa na lang din ako kahit mas gusto kong kumain. “Kung ako ‘yung babae, then it’s possible to just remain friends with me. Wala akong interes makipagrelasyon,” mas maayos kong paliwanag. Hindi ako kumukurap dahil seryoso ako. “Kahit sa akin?” may lambing na tanong ni Luigi. Sinimulan na tuloy kaming tuksuhin ng mga kasama namin. “Kahit kay Elijah Charlesworth pa,” pambabasag ko sa kanya at nagpalakpakan tuloy ang lahat. Alam kasi nilang mas higit pa si Elijah kay Luigi. Ibig sabihin, kahit sino pa ang iharap nila sa akin, hindi ko papatulan. Napailing si Luigi. Nakahawak sa labi at ngiting-ngiti. Mukha naman siyang puno pero kung umasta akala mo talaga heartthrob. “Balak mo bang tumandang dalaga?” tanong pa niya. “Balak kong tumandang maganda,” pinalis ko ang buhok ko papalikod at kumindat sa kanila. That’s how I rested my case for the night. The next day, my best friend announced that he is getting married. On the other hand, I decided to accept the big concert project. Because for me, work is my lifetime partner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD