Sa Pananaw ni Sunny

3487 Words
I think it’s been a long time since I last visited the main branch of Sunny Cosmetics in Manila. Naging abala kasi ako sa pagtulong sa love life ni June, best friend ko, pati na rin sa pagbabakasakaling luminaw ang no-strings-attached relationship namin ni MJ. Kaya nga nadalas ang paglalagi ko sa Batangas these past few weeks. And to be honest, I’m always willing to be there for June and MJ. They’re both my person. They’re important to me. But I know it doesn’t justify neglecting my own business, especially because I worked so hard to build it from scratch. Oo’t mayaman ang pamilya namin. May food business kami na kung tutuusin ay ako dapat ang namamahala ngayon. Pero ipinaglaban ko talaga noon ang kagustuhan kong makapagtayo ng sariling cosmetics company pati na rin ang pangarap kong magkaroon ng beauty brand under my nickname, Sunny. Kaya kahit sarili at suporta lang ng best friend ko ang pinanghahawakan ko noon, ginawa ko ang lahat para matupad ang pangarap kong ito. Tanda kong halos itakwil ako noon ng sarili kong pamilya dahil sa pagmamatigas ko. They said I wouldn’t be able to start a company without their support. And fortunately, I proved them wrong. I showed them what I’m capable of. Now, I’m earning just enough to call myself a successful entrepreneur in the path that I chose. At mabuti naman, kahit mahirap ay unti-unti na ring natatanggap ng pamilya ko ang desisyon ko. Nagbunga na ang lahat ng mga pinaghirapan ko. Kaya ngayon ko pa ba ito pababayaan? “Tatawag ako ng security kapag hindi ka pa umalis!” My brows furrowed because of what I heard upon entering my store. Nagulat ako nang makita ang sales lady dito. Animo kakainin ng buhay ang kaharap niyang batang babae na tingin ko’y fifteen o sixteen years old lang ang edad. Nakasuot ito ng tsinelas, makikita ang mga peklat at sugat sa binti’t hita sa suot na maigsing shorts, at ‘yong blouse niya ay may mga punit. She doesn’t look clean and could easily be identified as a street dweller. Para hindi mapansing nakikinig, tumingin-tingin muna ako ng mga produkto rito kahit na ang buong atensyon ko ay nasa kanilang dalawa. “Gusto ko lang naman pong bumili ng lipstick—” “Bumili o balak mong magnakaw?” pagputol ng sales lady sa pagsasalita nung bata. Sa lakas ng kanyang boses ay naagaw na niya ang atensyon ng ibang customers. Tuloy ay nagsimula na silang magbulungan. Bakas sa kanilang mukha ang pagkabahala sa sitwasyon. When I took a glance, I saw the young girl took out coins from her small replica bag. Iaabot sana niya ang mga ito, pero pinalis ng sales lady ang kanyang kamay nang madikit siya sa balat nito, bakas ang pandidiri. Dito na uminit ang ulo ko. Huminga ako nang malalim. Sinuot ko nang maayos ang itim kong baseball hat bago naglakad papalapit sa dalawa. Tinulungan ko ‘yong batang babae magpulot ng mga barya sa sahig. Nang matapos ay ngumiti ako bago inabot ang kanyang pera. Inalalayan kong tumayo ‘yong bata. Inakbayan ko siya at sabay kaming humarap sa sales lady. “Anong lipstick ba ang gusto mong bilhin?” malumanay na tanong ko sa bata at itinuro naman niya ‘yong gusto niya. Napangiti ako dahil paboritong lipstick shade ko pa ang napili niya – nude shade. It’s our best seller. I guess she has a good taste for her age. Nagsalita akong muli. But this time, I was addressing the sales lady. “Bibili kami ng isa niyan,” sabi ko sabay turo sa kaparehong lipstick na itinuro nung bata sakaling hindi niya nakita. The sales lady smirked. She looked at me from head to toe and let out a sarcastic laugh. “Modus niyo ba ‘to?” She asked, raising one eyebrow. Mukhang nadamay na ako sa pangmamata niya ngayon. She’s really testing my patience. Ang dami pa niyang sinasabi imbes na pagbentahan na lang ang customer niya. Tiningnan ko ang nameplate niya. Pamilyar ang pangalan niya sa akin dahil isa siya sa mga bagong empleyado sa dokumentong pinirmahan ko a few weeks ago. Hindi ko alam na may nakalusot palang tulad niya. “Gusto lang namin bumili ng lipstick. May pambayad naman kami,” maayos ang pagpapaliwanag ko para matapos na ang usapan at ‘di na rin maabala ang ibang customers. Ngunit mukhang hindi siya marunong makiramdam sa paligid. “At sinong niloko niyo? Magnanakaw lang kayo. Kung ako sa inyo, umalis na kayo. Nandyan na ang security.” “Paano mo nasabing magnanakaw kami. May ninakaw ba kami sa ‘yo?” “Sa tingin mo hihintayin ko pang makapagnakaw kayo?” “May pambayad kami.” “Modus!” Napapikit ako nang mariin. Hinimas ko ang sentido kong pumipintig na. Pagtingin kong muli sa sales lady, pansin kong may kinawayan siya sa bandang likuran namin bago kami tinuro ng batang kasama ko. Ilang sandali lang ay may security guard nang lumapit sa amin. I guess I should at least commend them for how fast they took action. Ngunit dahil ubos na ang pasensya ko, hindi ako nagpatinag. “Ibig sabihin ba, kahit may pambayad hindi pwedeng bumili ng lipstick niyo?” tanong ko pa sa sales lady. “Malamang! Bakit kailangan pa niyan ng lipstick e sa kalsada lang naman ‘yan nakatira? Hindi niyo ba alam na sinisira niyo ang brand namin?” Nang hawakan na nung security guard ang batang kasama ko, hindi na ako nakapagpigil pa at tinapik ko ang kamay nito para bumitaw. Nakita ko ang matapang na tingin nung guard pero binalik ko ang atensyon sa sales lady. I rolled my eyes before I spoke again. “Oo, hindi ko alam—” “Kaya nga umalis na kayo—!” “Hindi ko alam dahil brand ko ‘to. Its purpose is to make everyone feel beautiful regardless of where they live and who they are.” Dumating ang manager ng store na nakakakilala sa akin at agad yumuko nang makita ako. Humingi ito ng dispensa pero hindi ko inalis ang tingin sa sales lady. “You’re the one ruining my brand’s name. Weren’t you trained for this job? All customers should be treated equally. They should be treated with dignity and respect.” I couldn’t hold back my words. Ito ang problema ko kapag pinapangunahan ng emosyon. Nasasabi ko ang kahit anong maisip ko. Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata nung sales lady. Bakas ang takot dito dahil sa mga salitang namutawi sa labi ko. “H-Ha? Anong ibig mong sabihin? Sino ka ba sa tingin mo at ganyan ka makaasta?” Tinapik na siya ng manager niya pero talagang ayaw niyang magpaawat. “Oh. Sorry. I forgot to introduce myself. I’m Josephine Soleil Alcazar.” Nilabas ko ang wallet ko. Kumuha ako ng isang valid ID mula rito at ipinakita sa kanya. “Baka sabihin mo modus na naman kaya ayan. Feel free to check. You can just call me Sunny. I’m the CEO and owner of Sunny Cosmetics.” Lumakas ang bulungan sa paligid. Lumayo agad ‘yong guard sa amin ng batang kasama ko. ‘Yung sales lady naman ay nalaglag ang panga, namutla, at agad yumuko sa harapan ko. Panay ang paghingi niya ng tawad. Ayaw ko na sanang humantong kami sa ganito, but she left me no choice. “Sorry po! Akala ko po—” “Akala mo hindi ako customer dahil ganito ang ayos ko?” Tumingin sa akin ‘yong batang katabi ko at para bang nailang dahil sa nalaman niya. Pero kumindat ako sa kanya. Lalo ko pa siyang inilapit sa akin, halos yakapin ko na siya. One thing every employee in my company needs to know about me is that I like the thrill of changing my physical appearance by dressing up and using makeup from time to time, especially when I’m bored. Kaya madalas kapag bumibisita ako sa mga stores namin, I pretend to be a normal customer purchasing my own products. At ito nga ang ginawa ko ngayon dito sa main branch namin. Nagpunta ako wearing a black tank top and ripped jeans. I also made sure to wear big hoop earrings to match my rugged look makeup. I didn’t wear branded clothes nor bring a designer handbag today. Wallet at cellphone lang ang bitbit ko. “Sorry po talaga!” mangiyak-ngiyak na saad ng sales lady kaya binalik ko sa kanya ang atensyon ko. “I’m guessing you’re still on a probationary period, right?” “Opo! ‘Wag niyo po akong tanggalin!” “We’ll get the chance to discuss your employment later. But for now, save your apologies. Kuhanin mo na muna ang order niya. Kanina mo pa sinasayang ang oras ng customer natin,” sabi ko at mabilis naman itong kumilos kumpara kanina noong akala niya’y kakayan-kayanin niya ako. Kinuha na niya ‘yong lipstick na gusto nung bata. At tinanggap naman namin ang mga barya nito bilang bayad. I made sure our sales lady was able to count every penny. Bukod sa lipstick, kumuha ako ng face powder na tingin ko’y bagay sa skin tone nung bata. Bagong labas lang ang product na ito pero mabilis agad maubos kaya gusto kong masubukan niya. “Here, it’s a premium item that goes well with the lipstick you bought. It’s my gift,” sabi ko sa bata. Natuwa naman ako nang makita ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. Noon pa man kasi, malapit na ang puso ko sa mga bata. Pangarap ko ngang magkaroon ng maraming anak kapag nagkapamilya. Kung pwede lang ay makabuo ako ng basketball team. Gusto ko sanang hindi tanggapin ang bayad nung bata pero mas angat ang kagustuhan kong tratuhin siya tulad ng ibang customers. I want her to see that she’s no different from others. I want her to feel capable by giving her the power to choose and purchase whatever she wants. Fortunately, my interference finally brought peace to my store. The sales lady who started the commotion wanted to talk to me but I did not accommodate her. Sinabi ko sa kanyang magpapatawag na lang ako ng meeting tungkol sa nangyari sa ibang araw dahil nasayang na ang oras ko. Kaya naman manager na niya ang kumausap sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang pagsilip sa main branch namin. At mabuti naman, bukod sa problemang inabutan ko, maayos ang lahat dito. While roaming around the store, I noticed someone looking around, just like me. He caught my attention because it’s very rare for a man to visit a store like mine. From a distance, the man already looked familiar. Kaya naman nang lumapit pa ito sa akin ay tsaka ko napagtantong si Sir August pala ito! He changed his haircut and style kaya hindi ko agad nakilala. Sir August is one of my professors in college. We recently connected again after he came back from the States. Nagkita kami sa Batangas dahil nag-apply siya sa resort kung saan nagtatrabaho si June. Prof namin siya pareho ng best friend ko. Nang magkaharap kami ay mapanuksong tingin ang ipinukol ko sa kanya. “Hello, Sir. So, when did you change your preference?” nanunuyang tanong ko at mukhang nakuha niya agad ang ibig kong sabihin kaya natawa siya. Sino ba naman kasing mag-aakalang sa lahat ng lugar ay sa cosmetics store pa talaga kami magkikita? “I didn’t. I just came here… hoping to see you.” Bumilog ang bibig ko. Tumingin ako sa paligid bago itinuro ang sarili. “Me? Ako po ba ang tinutukoy mo, Sir?” Binukas-sara ko pa ang mga mata ko. He smiled. “I thought we already agreed to drop the formality.” “Did we?” Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago humagikgik. Hindi ko inasahan nang subukan niya akong hawakan sa bandang beywang. Taking a step backward was my automatic response. Pagtingin ko sa tagiliran ko’y nakita kong may balahibo pala si Garfield na dumikit sa itim kong top. Garfield is my Persian cat. Mukhang balak lang tanggalin ni Sir August ang balahibo nito. Kinuyom ni Sir August ang kanyang palad. “Sorry. I was just…” Pinagdikit niya ang kanyang labi. I cleared my throat and spoke again with a smile plastered on my face. “So, Sir August, how can I help you?” “About that night—” “Ano ka ba? It’s no big deal.” Nagsalubong ang kilay niya. “I want to be responsible.” Nawala ang ngiti sa labi ko. Umikot ang tyan ko sa kanyang sinabi. Lalo na nang rumehistro sa isip ko ang gabing tinutukoy niya. I knew what that night meant. And for me, it just had to happen. “I told you. You don’t have to. It was just one night. Nasa edad naman na tayo pareho.” Bakas sa mukha niyang ‘di siya natuwa sa naging sagot ko. Pero hindi naman na ito importante ngayon. I want nothing to do with him. Magsasalita pa sana ako nang mapunta ang atensyon ko sa kabubukas lang na pinto. My heart raced really fast when MJ walked in the store, especially when I saw his dashing smile. Nagulat ako dahil ‘di ko inasahang magpupunta siya rito. Sa tuwing nagkikita kasi kami ay pinaguusapan muna namin para parehong available ang isa’t isa. At syempre palagi kong sinasabing available ako kahit hindi para lang magkasama kami. “What brought you here?” masayang tanong ko paglapit kay MJ. Hindi ko nga lang inasahan nang pagsalubong ko sa kanya, hinawakan niya ako sa beywang at hinigit pa lalo papalapit sa kanya hanggang sa wala nang espasyong natitira sa pagitan namin. Lumapat ang labi niya sa ibabaw ng akin. Naramdaman ko ang lambot nito. Lalong naghuromentado ang puso ko dahil sa nanunuyo niyang paghalik. Ito ang isang bagay na nagustuhan ko kay MJ. His unpredictability draws me more to him. After sharing a passionate kiss, I looked at him and saw one corner of his lips turned upward. I felt butterflies in my stomach. I thought I hate public display of affection, but it’s actually okay as long as it’s with him. Nang maghiwalay kami, pansin kong may tiningnan siya sa likuran ko. Kaya naman naalala kong nandito pa pala si Sir August! Kaya naman hinarap ko itong muli at tinawag. Lumapit ito sa amin ni MJ. “MJ, si Sir August. Sir August si MJ Valderrama.” “Valderrama?” tanong ni Sir August. Mukhang pamilyar sa kanya ang apelyidong ito dahil nagtatrabaho siya ngayon sa Marahuyo Beach Resort na pagmamay-ari ng mga Valderrama. “Yes. Kapatid siya ni TJ,” sabi ko pa. Si TJ ang panganay sa magkakapatid na Valderrama. Kuya siya ni MJ. At marahil siya ang kilala ni Sir August dahil dito siya direktang nagre-report. Nakita ko namang hawak-hawak ni MJ ang labi niya gamit ang kanyang hintuturo na para bang may sinusubukang alalahanin. “August… siya ba ‘yung—” “Yup! ‘Yung prof namin ni June!” Malamig ang tinging ipinukol namin ni Sir August sa isa’t isa. Ano bang gusto niyang sabihin ko? Totoo namang prof namin siya ni June. “Sige, mauna na ‘ko,” sabi ni Sir August na para bang dismayado nang umalis. Sinundan ko ito ng tingin ngunit agad na humarang si MJ sa harapan ko. “Kinukulit ka pa rin ba niya tungkol kay Tala?” tanong ni MJ. Tala ang palayaw niya kay June. Tumango naman ako. “Oo. Pero sinabi ko sa kanyang wala na talaga siyang pag-asa. Syempre, sina June at TJ dapat ang maging end game,” sabi ko pa at natawa siya. May gusto kasi si Sir August kay June. Pero sina June at TJ ay may gusto sa isa’t isa, kahit silang dalawa na lang yata ang hindi pa nakakaalam. Nagsimula kaming mapalapit ni MJ dahil sinusubukan naming tulungang magkaaminan ang dalawa. Nagmistula kaming mga kupido. “So, bakit ka nga nandito?” pilya akong ngumiti. “Are you here for a qui…” “No! It’s not—I’m not—I just want to ask you out,” sabi nito na nagkautal-utal pa. Ngayon ko lang siya nakitang magkaganito kaya tuloy ang lakas ng tawa ko. “Mark Joseph Valderrama, nauutal ka na kausap ako. Ibig sabihin ba, na-fall ka na?” panunukso ko sa kanya. Ang sabi niya kasi sa akin noon, isang sign kapag na-fall na siya sa babae, nauutal siya. Pero sa lahat ng interactions namin, he never missed a word. In fact, he had always been good with them until now. “Paano kung oo?” tanong din ang ibinalik niya sa akin. Seryoso ang tingin niya. Umangat naman ang isang dulo ng labi ko. Lumapit ako sa kanya at pinayuko siya nang bahagya para maging kalebel ko ang kanyang tainga. “Then we have some serious damage to fix,” pagbulong ko sa kanya nito ay kumindat ako at hinawakan siya sa kamay. Dinala ko siya sa storage room. Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa loob ng madilim na kwarto, sinarado ko ang pinto at dito siya isinandal. “S-Sunny wait— oh f*ck.” I started devouring his neck while struggling to unbutton his polo. Heat rushed through me when I moved to the sweet moistness of his mouth. His hands were roaming around my body as though I was his favorite place to explore. I couldn’t take the intensity – the waiting. It was torture. When I want something, I make sure to get it right away. And I always get what I want. But just when I was about to kneel in front of him. He held my arms and stopped me from going further. “M-Marry me.” My body froze. He could have had other reactions. He could moan or curse. But hearing him say these two words just made my system shut down all at once. Napabitaw ako sa kanya at napahakbang paatras. “Is this the right time to laugh?” tanong ko dahil palagi naman siyang nagbibiro. Hindi ko alam kung dapat kong seryosohin ang sinabi niya. Kaya ko nga siya dinala rito. Akala ko nagbibiro lang din siya sa sinabi niya. Imposible kasing ma-fall siya sa akin. “Marry me.” “W-What did you say?” Hindi naman siya amoy nakainom. “Marry me, Sunny.” His voice was so deep that it was able to reach the depths of my heart. My soul left me because of his sudden proposal. And I wanted to know if he was serious. Dahil madilim dito sa storage room ay kinailangan ko pang hagilapin ang pindutan sa ilaw. Nang magliwanag ay napapikit ako nang mariin. Muli ko siyang hinarap. Hindi ko alam pero puno ng sinseridad ang mga mata niya. He didn’t look like he was kidding. I wanted to believe that it was not just a joke or a spur-in-the-moment question. “Akala ko ba you’re not a commitment type of guy?” tanong ko sabay halukipkip. We’ve had good s*x, many times, but this question never popped out. We knew we were just fooling around because he didn’t want to commit to anything serious. He made this clear from day one. Of course, I was afraid. I was not comfortable with that kind of setup. But I took the risk for him. I pretended to be okay. I agreed because it seemed like I would regret it more if I let go of the opportunity to be with him. Alam kong ang galing-galing kong magpayo at tumulong sa relasyon ng iba, pero ako itong nagpapakatanga pagdating sa pag-ibig. “I’m sure about this. I want to marry you. Para maniwala kang totoo ang gusto kong mangyari, sabihin na natin sa mga kaibigan natin ang tungkol sa pagpapakasal natin.” “Wait. Hindi ba’t dapat pumayag muna ako?” And I heard his heartfelt laugh. He’s back to his old self. The MJ I fell in love with the first time I met him. Kinuha niya ang kamay ko at dito’y hindi ko inakalang may singsing na siyang dala-dala sa kanyang bulsa. Isinuot niya ito sa akin kaya napasinghap ako. “Please, marry me. I want to spend the rest of my life with you.” How many times would he plan on asking me to marry him? How could I reject him when it’s all I ever wanted? Noong nagsimula kami ni MJ, it was just all fun and games. Akala ko’y aabot pa sa puntong ako ang kailangan nitong magtanong sa kanya. “Yes, MJ. I will marry you…” The next day, MJ and I announced that we are getting married. On the other hand, I made sure to clean up loose ends from my past entanglements. Because for me, Mark Joseph Valderrama is my lifetime partner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD