Simula

1862 Words
"My love, there's only you in my life, the only thing that's bright. My first love, you're every breath that I take—Aray!" Humalakhak si MJ pagkatapos kong batukan. Hanggang ngayon ba naman kasi ay puro pa rin siya kalokohan. Alam naman niyang mahalaga ang araw na ito para sa kanya. At kung maswerte siya, isang beses lang ito mangyayari sa buhay niya. “Para ka kasing sira! Mag seryoso ka naman kahit ngayon lang. Sa tingin mo hindi halatang lyrics lang ng kanta ang wedding vow mo?” Aba’t talagang tawang-tawa pa siya habang hinihimas ang kanyang ulo. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya agad tumirik ang mga mata ko. Hindi ko ito pinansin kahit alam kong paniguradong work-related call ito at urgent. Paano’y nangako ako sa sarili ko maging sa mga kaibigan ko na hindi ako magtatrabaho kahit ngayong araw lang. It’s my best friend’s wedding. I’m here for MJ and not for work. “Is there a wedding rule that prohibits me from using a song as my wedding vow?” sarkastikong tanong ni MJ. Tuloy ay siya naman ang inirapan ko ngayon. “Oo naman! Common sense na ‘yon, MJ. You have to write a wedding vow from the heart—” “And songs weren’t written from the heart?” Naningkit ang mga mata ko. Talagang hilig niyang subukan ang pasensya ko dahil sa pamimilosopo niya. “They weren’t written from your heart. You clever d*ck.” I gave emphasis to the word ‘your’ just so I could put an end to his sarcasm. And yes, I could say the D-Word to him for all I care. I usually call him clever d*ck whenever he’s trying to outsmart me. “Paano kung gumawa ako ng wedding vow ngayon at maging kanta. Hindi na ba siya pwedeng tawaging wedding vow dahil kanta na siya?” Napasapo ako sa noo ko. Hindi ko na kinakaya ang kaibigan kong ito. Mas malala pa siya kay Quinn kausap kapag lasing. “Mahiya ka naman kay Sunny. For sure pinaghandaan niya ang wedding vow niya sa ‘yo.” Pagkasabi ko nito ay tsaka unti-unting nagseryoso ang mukha niya. Alam ko namang kinakabahan lang siya. Hindi lang niya maamin sa sarili niya kahit halata ito sa kadaldalan niya. Madalas kapag ganitong walang kwenta na ang mga sinasabi niya, kinakabahan siya o may ibang bagay na tumatakbo sa isip niya pero sinusubukan niyang hindi isipin. Kahit tuloy ako ay sumasakit ang ulo ngayon. Nandito kami sa groom’s room. Ilang minuto na lang bago magsimula ang kasal nila ni Sunny. Nahuli ako ng dating kaya rito agad ako dumiretso para batiin at kumustahin siya. Walang ibang tao dahil kakaalis lang daw nila. Buti na lang at naabutan ko pa siya. Naupo muna ako sa couch dahil nangalay na akong samahan siyang nakatayo. Dahil may katangkaran naman na ako, nagsuot lang ako ng flats na ibinagay ko sa suot na pastel pink dress. Nag-apply lang ako ng light makeup at mas piniling ipusod ng isa ang mahaba kong buhok. Simple lang ang ayos ko katulad ng mga kaibigan ko. Nagbilin kasi ako sa kanila na hangga’t maaari, wala sa aming mag-aayos o magbibihis ng bongga. Ayaw naman naming matalbugan ang bride. It’s Sunny’s time to shine kaya kahit si Quinn talaga sinigurado kong magtitino. Baka kasi magbonggang ball gown ito. Hindi pa naman niya bet si Sunny. “Alam mo… hindi ako makapaniwalang ilang taon na tayong magkaibigan ngayon. Hindi ko lubos maisip kung paano ko nagawang tiisin ang lahat ng mga kalokohan mo.” Naiiling ako nang sabihin ito kay MJ. Ngising aso naman ang loko. Bumalik sa alaala ko noong unang beses kaming nagkita. Sa wedding pa ito ng kanyang nag-iisang kapatid na babae, si Reign. Hindi ko maaaring makalimutan ang unang pagkikita namin. Paano ba naman ay sinubukan niya akong landiin. Hindi nga lang umubra sa akin ang kanyang legendary moves kaya tuloy nauwi sa malalim na pagkakaibigan ang dapat sana’y simpleng landian lang. “Well, I hate to break it to you, but you’re stuck with me forever,” sabi niya sabay kindat. Hinampas ko tuloy siya sa braso. “Nope. Unless you and your family have plans of traveling around the world someday, I think it’s best for us to say our goodbyes now.” Sumandal ako sa couch at humalukipkip. Sigurado na ako sa mga plano ko sa buhay. Magtatrabaho ako hanggang sa makaipon ng sapat na pera para makapunta sa kung saan-saan. Wala akong balak manatili lang sa isang lugar gayong sobrang lawak ng mundo. “But don’t worry, I’m still planning to be the cool aunt. Magpapakita ako sa mga anak niyo kapag nasa Pilipinas ako. Magbibigay naman ako ng mga regalo kapag pasko tsaka birthday nila kaya don’t worry. Pwede rin silang sumama sa ‘kin magbakasyon kapag medyo malaki na sila,” humalakhak ako. Nailing na lang si MJ habang nakangiti. Ganito palagi ang reaksyon nila ng mga kaibigan ko sa tuwing sinasabi ko ang mga plano ko. Hindi kasi sila makapaniwala na hindi ito nagbabago kahit ilang taon na ang nakalipas. Maayos kaming nag-uusap ni MJ pero ngayon ko napansing parang kanina pa siya palakad-lakad dito sa kwarto. Hindi siya mapakali. Lalo tuloy akong nahihilo. Tuloy ay tumayo akong muli. Hinawakan ko siya sa magkabilnag braso at iniharap sa akin. “Hey… you’re marrying your first love. What are you so worried about?” tanong ko pero hindi na siya makatingin nang diretso sa mga mata ko. Knowing him, basa ko na kapag ganitong mukha siyang natatae. “Are you having second thoughts?” Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Pagdating sa mga kaibigan ko, as much as possible, I want to be straightforward. Hinawakan niya ang mga kamay ko at inalis ang pagkakahawak sa kanya. Naupo siya sa couch kaya rito ko siya tinabihan. “As an events coordinator, how do you make a quick decision under pressure?” tanong niya habang malayo ang tingin. Hindi ko sigurado kung anong pinupunto ng tanong niya pero sinagot ko naman ito sa paraang alam ko. “As an events coordinator, I always think about the happiness of my clients whenever I make a decision. I always try to put myself in their shoes. Kapag masaya ang kliyente ko, tsaka ko lang nasasabing successful ang isang event na hinawakan ko.” Natahimik si MJ. Para bang pinroseso pa niya nang mabuti ang sinabi ko. “What if prioritizing their happiness could ruin the event you’re working on? Susundin mo pa rin ba kung anong magpapasaya sa kanila o gagawin mo kung anong alam mong tama?” Natigilan ako sa tanong ni MJ. Pakiramdam ko kasi hindi na lang simpleng trabaho ko ang pinag-uusapan namin dito. Para bang kailangan kong maging maingat sa bawat salitang lalabas sa bibig ko. Kahit kasi hindi niya sinagot ang mga tanong ko, parang may ideya na ako kung ano ang gumugulo sa kanyang isip. He's not sure if he wants to marry Sunny. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung anong problema nila. Ang alam ko lang ay hindi ito simpleng bagay na dapat pinag-uusapan ngayon. Ilang minuto na lang ay ikakasal na sila. Pakiramdam ko’y naiipit tuloy ako sa sitwasyon. “Iba-iba ang sagot ng bawat events coordinator sa tanong mo,” simpleng sagot ko. Ngunit mukhang wala siyang balak palusutin ako. “Ikaw. Kung ikaw ang events coordinator, anong sagot mo sa tanong ko?” Tumayo ako at tumalikod kay MJ. Napasapo ako sa noo ko. “It depends on what matters to you as an events coordinator. But for me, even if I prioritize my clients’ happiness, I never choose the easy way. So, in that situation, I will choose what is right. Alam ko naman na maiintindihan din ng kliyente ko ang desisyon na gagawin ko dahil para sa kanila rin ‘yon. I’m just giving them a different taste of happiness.” At nang mapagtanto kong baka magkaroon ng negatibong epekto ang sinabi ko, I made sure to make myself clear. “But if you're pertaining about lifelong marriage here, I don't think I'm the best person to ask. You shouldn’t be taking any advice from me. Tawagin ko lang sina Reign—” “Your opinion matters to me.” Nang lingunin ko si MJ, ‘yong mga mata niya ay nagsusumamo. Hindi ko ito kayang tiisin. Napahawak ang isang kamay ko sa beywang habang ang isa’y napasabunot sa buhok ko. I’m sure his sister and our friends who are happily married can give him the right answer. Not me. “How would you know if you’re doing the right thing?” tanong pa niya. "I don't think my opinion will help--" "It will. Trust me." Bumuntong hininga ako. "Just a disclaimer, I don't want to get married. I have nothing against marriage, but all I know is that it's not for me. Bakit naman kasi ako ang tinatanong mo eh?!" Tumango-tango siya sa akin na parang maamong bata kaya napairap ako sa kawalan. Minsan kahit seryoso na siya, iniisip ko pa ring pinagti-tripan lang niya ‘ko. “Tawagin ko na lang ‘yung iba pa nating kaibigan!” “Tiffany.” Malamig ang boses niya nang tawagin ang pangalan ko. Kaya naman alam kong hindi ito oras para talikuran ko siya bilang kaibigan gayong palagi niya akong tinutulungan sa mga problema ko. Napapikit tuloy ako nang mariin bago nagsalita. “Ang masasabi ko lang, we won’t be having this conversation if you think you’re doing the right thing. Because I know you. Alam kong maloko ka pero palagi kang totoo sa nararamdaman mo.” Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa pagitan namin ni MJ. Inisip ko tuloy kung may mali akong nasabi. Kaya nga ayoko sanang magsalita e. Ayoko naman kasing magsinungaling sa kanya lalo na’t matagal na kaming magkaibigan. We trust each other to always be honest even if it’s difficult. Nakita kong umawang ang labi at magsasalita sana nang bumukas ang pinto ng groom’s room. Pagtingin namin dito, sumilip ang wedding coordinator nila at pinaghanda na siya. Hindi ko tuloy alam kung bakit ako ngayon ang biglang kinabahan. May inilabas naman akong papel. Nakasulat dito ‘yung wedding vow na ginawa ko para sa kanya dahil alam ko na ngang ugali na niyang gawing katatawanan lahat ng bagay. Naisip kong hindi niya seseryosohin ang paggawa ng wedding vow kaya naghanda na ako ng back-up para tulungan siya just in case. Ayaw ko namang malungkot si Sunny kapag napagtanto niyang lyrics lang ng kanta ang sinabi ni MJ. “I’ll see you later. Make sure to say a real wedding vow. And if worse comes to worst, you can use this instead,” sabi ko sabay abot sa kanya ng papel. Tiningnan niya ito sandali bago tipid na ngumiti sa akin. "Thank you sa kodigo,” ani niya. "You're welcome. And congratulations again on your wedding!" Nakangisi kong sambit. Nang talikuran ko siya at naglakad na ako papalayo, hindi ko alam kung bakit pero may bigat sa loob kong hindi mawala-wala. Kaya bahagya kong hinampas ang dibdib ko hanggang makarating na ako sa loob ng simbahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD