Daig ko pa ang nakipag-marathon sa bilis ng paghinga at t***k ng puso ko. Gusto kong maintindihan ang nararamdaman ko pero paulit-ulit akong pinipigilan ng isip ko. Para bang sobrang taas at tibay ng pader na nakapalibot sa ‘kin para basta na lang magiba. At ako rin ang nahihirapan ngayon… Alam ko naman kung anong ibig sabihin ng pagkakaroon ng friends with benefits na relasyon pero ngayong nandito na kami sa puntong ito, pakiramdam ko ito pa ang maaaring makasira sa pagkakaibigan namin. Sobrang tanga ko lang para maisip na ito ang solusyon sa lahat. What were you thinking, Tiffany? You’re better than this! Hindi ako tulad ng ibang babaeng nakapaligid kay MJ. Hindi ko kayang maging si Sunny noon. At ayoko. Ayokong maging katulad nila. Ngunit paano ko sasabihin kay MJ ang totoo? Na ti

