Congrats, Tiffany! You finally got what you wanted. You’re still friends with MJ and you’re back to being single. Now you can focus on your career and live the life you’ve always wanted. Alam kong mabigat ang mga nangyari sa ‘min ni MJ nitong mga nakakaraang Linggo pero baka pagsubok lang ito na kailangan naming pagdaanan para mas tumibay pa ang pagkakaibigan namin. Kaya nga palagay ko’y tama lang din ang desisyon naming bumalik na lang sa dati at kalimutan na ang mga naging kumplikasyon sa relasyon namin. Maaga akong nag check out sa VIP suite ng Savage Hotels para makauwi muna bago pumasok sa opisina. Ayaw ko naman kasing mapansin ng mga katrabaho kong suot ko pa rin ang suot ko kahapon dahil baka tuksuhin pa nila ‘ko. Alam kasi nilang magkasama kaming umalis ni MJ ng RSE. Pagdatin

