Kabanata 66.5

2185 Words

Can exes be friends? Para sa ‘kin ay hindi, lalo na kung nagtapos ng hindi maganda ang relasyon. Pero ayaw ko namang pangunahan sina MJ at Sunny tungkol sa bagay na ito. Kung tingin nila ay pwede pa rin silang magkaibigan pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila, sino ba naman ako para kumontra? Hindi ko na pinahaba pa ang pag-uusap namin ni MJ tungkol kay Sunny kahit na sa totoo lang ay gusto ko na namang ungkatin ang tungkol sa pag-atras niya sa kasal. Hanggang ngayon kasi ay isa pa rin itong malaking palaisipan para sa lahat. Alam kong pwede ko naman siyang tanungin tungkol dito. Mas madali para sa ‘kin kung didiretsuhin ko siya. Pero ayaw kong ipitin si MJ. Mas gusto kong siya mismo ang mag open ng topic na ito kapag tingin niya’y handa na siya. And I guess MJ’s not yet ready t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD