It’s the third and last day of the relationship extension I gave MJ. Gising na ako pero hindi pa rin ako bumabangon. Nakatulala at nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko. Ano nang balak mong gawin ngayon, Tiffany? Paulit-ulit ko itong itinanong sa sarili. Ako ‘yong tipo ng taong ‘di nauubusan ng plano sa katawan pero ngayon ay naba-blanko; gulong-gulo ang isip ko. Sa totoo lang ay hindi ko na rin alam kung anong gusto kong mangyari. Kahit ano naman kasing tulak ko papalayo kay MJ, mukhang desidido na talaga siya sa pakikipagrelasyon sa ‘kin. Para bang wala siyang balak na sukuan ako. Alam kong may kasalanan din ako sa part na ito. Hindi ko kasi magawa ang napag-usapan namin ni Quinn. Sinubukan ko naman pero hindi ko kayang maging indifferent kay MJ. I just couldn’t stop caring

