Kabanata 58

1892 Words

“Ano bang nangyari sa mall show, Tiffany? Tumawag sa ‘kin ang road manager ng Four of Hearts. Galit na galit. Ang sabi’y pinabayaan mo raw sila.” Ito ang bungad sa ‘kin ni Sir Edward pagkasagot ko sa tawag niya. Tumirik ang mga mata ko. Sabi na nga ba’t makakarating agad sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina. Nasa byahe pa kami ni MJ pabalik sa condominium pero mabilis na nakapasumbong ang sinungaling at intrimitidang road manager na ‘yon. “May mga fans na nanggulo kanina noong album signing at photo op na. But Four of Hearts was my top priority…” Para wala ng maraming tanong, kinwento ko bawat detalye ng nangyari kay Sir Edward. At habang nagsasalita’y panay ang paghilot ko sa sentido ko. Sumasakit kasi ng sobra ang ulo ko. “…kaya hindi totoo na pinabayaan ko sila. Sa totoo lang,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD