Isasarado ko na ang pinto ng kwarto ko pero mabilis itong pinigilan ni MJ gamit ang isang kamay niya. “Teka lang, Tiffany! Mag-usap muna tayo,” pakiusap niya pero ayaw ko muna siyang pakinggan – not when I’m so pissed off because of what he did. Nilakasan ko pa ang pagtulak sa pinto pero hindi siya nagpatinag. “I’m sorry! Sasabihin ko naman talaga sa ‘yo agad—” “Agad?! Ang dami ko nang nasabi bago mo ko na-heads up na nagla-live ka pala! Paano kung nabulgar ko ang tungkol sa pagpapanggap natin, ha?” Halos mamaos ako dahil sa pagsigaw. Just the mere thought of me revealing everything makes my stomach sick. Gigil na gigil talaga ako kay MJ ngayon. At dahil ayaw kong may masabi o magawang ‘di maganda, mas gusto kong itulog na lang muna ito. “But I listened to everything you said. Wala

