Kabanata 101

2453 Words

Itsura pa lang nito ay nagdadalawang-isip na ‘kong tikman. Hindi ako sigurado kung magugustuhan ko ba ang lasa. Pero dahil alam kong wala namang ibang gagawa nito bukod sa ‘kin, isinubo ko na ng tuluyan ang hawak. Napapikit ako nang malasahan ito. Medyo maalat. Kakaiba pero masarap naman. “Ga, anong ginagawa mo?” napasinghap ako nang biglang narinig ang boses ni MJ galing sa likuran ko. Akala ko matatapos na ‘ko bago siya magising. Tuloy ay dahil guilty, paglingon ko sa kanya’y agad akong ngumisi. Naabutan lang naman niya ‘kong nagluluto sa kusina. Wala siyang suot na t-shirt dahil pagbangon ko kanina, ito ang napulot ko sa sahig at mabilis na isinuot. Hindi na ako nag-abala pang maging mapili sa takot na magising ko siya. Ngunit dahil medyo may kataasan ako, kahit mahaba ito para magi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD