Malakas ang kabog ng dibdib ko pagbukas ng elevator sa palapag ng opisina namin. Paano’y may nakasalubong akong ilang lalaki na mukhang taga-audit department. May bitbit silang mga magazine racks at laptops na mukhang galing sa team namin. Susubukan ko sana silang kausapin para kumpirmahin ito kaya lang ay dire-diretso ang lakad nila. Masyado ring malamig at seryoso ang ekspresyon ng kanilang mukha kaya nagdalawang-isip ako. Hindi ko pa alam ang buong detalye tungkol sa posibleng embezzlement sa department namin. Mas gusto rin kasi ni Sir Edward na personal itong pag-usapan. Kaya naman pagtawag niya kanina ay mabilis kaming nag-asikaso ni MJ papasok ng RSE. We had to wrap up our general cleaning session early. Oo’t pati si MJ ay pumasok din pagkatapos naming mapagod sa paglilinis. Na-

