“Salamat talaga, Irene. Kung kailangan mo ng tulong sa ibang events na hawak mo, sabihan mo lang ako.” Ito ang huling sinabi ko bago binaba ang tawag. Nakakahiya man, nakisuyo ako kay Irene na samahan si Elijah sa TV guesting nito ngayong umaga sa isang news channel. Mukhang hindi na kasi ako aabot. Inihilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha bago bumuntong-hininga. Napatingin ako ng masama sa mga sasakyang walang pag-usad sa harapan namin. Sa paglipas ng bawat segundo ay nauubos din ang pasensya ko. I was lost in my own thoughts when I heard MJ’s laughter beside me. Tuloy ay matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. “Why? What’s funny?” may pagtataray kong tanong. Pero imbes na matakot sa ‘kin ay may multo pa rin ng ngiti sa kanyang labi nang magsalita siya. “Parang may laser beams

