Lalong naging tahimik ang buong VIP room. Tumayo si TJ at pinaupo sa kanyang tabi si June. Mas ginusto ko namang ibaling ang tingin at atensyon ko sa mga alak na nasa lamesa imbes na tumingin sa harapan ko. Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni June. Alam kong gusto niyang malaman—mahuli kung anong relasyon namin ni MJ ngayon. Pero wala akong sinabi. I just didn’t want to give them the satisfaction of knowing the truth about us after what June did to get that information from me. Pero ngayong alam na ni June na kami ni MJ, at malamang alam na rin ni Sunny ang tungkol dito, hindi ako sigurado kung anong magiging implikasyon nito sa lahat. Lalo na’t hindi ko alam kung ano ba ang mga kasinungalingang sinabi ni Sunny kay June tungkol sa ‘min ni MJ. Ayaw kong pag-isipan ng masama si S

