“Hindi ka naman mahilig sa kape ah. Bakit excited kang magpunta rito?” tanong ko kay MJ habang papasok sa lugar na pinagdalhan niya sa ‘kin. “Because coffee is your favorite,” simpleng sagot ni MJ na nagpatahimik sa ‘kin. Alam na alam talaga niya kung anong gusto kong marinig. Sa buong byahe kasi ay kinulit ko siya kung saan kami papunta. At bandang huli’y bumigay din siya at nasabing hidden café ang pupuntahan namin. Naglalakad kami ngayon sa malawak na hardin kung saan makikita ang marami at buhay na buhay na mga halaman. Nakakakalma rito dahil tanging huni ng ibon lang ang maririnig sa paligid. Masarap ding langhapin ang sariwang simoy ng hangin. Wala pa man kami sa mismong coffee shop, namangha na ako hindi naman ako madalas makapunta sa lugar na may ganitong klase ng environmen

