“Kumusta ang pakiramdam mo, iha?” nag-aalalang tanong ni Tita Claire. Kinuha ko ang inaabot niyang mainit na tubig at unti-unti itong ininom para maibsan ang sakit ng tyan. Sobrang nakakahiya ang nangyari pagkatapos naming mananghalian ni MJ kasama ang mga magulang niya. Sumuka kasi ako dahil hindi natunawan sa dami ng kinain ko. Sobrang nakakahiya kina Tita Claire at Tito Allan pero imbes na iparamdam nila ito sa ‘kin ay mas nakita ko ang kanilang concern. Agad nila akong pinapunta sa kwarto ni MJ at pinagpahinga rito. Inabutan nga ako ni Tita Claire ng mainit na tubig ngayon lang. At hinihintay naming bumalik si MJ dahil umalis siya para bilhan ako ng gamot. “Mas okay na po ako. Pasensya na po ulit sa nangyari,” nahihiyang sagot ko dahil alam kong nagsayang ako ng pagkain. Agad nama

