I have two events that I’m currently prioritizing: Elijah Unleashed and Sunny’s Sunset Soirée. There’s more or less one week left before the concert. Natapos na namin ang paggawa ng opening billboard at promotional video para sa event. Kaya bukod sa ilang rehearsals na natitira kasama si MJ at iba pang guest artists, magiging abala na lang si Elijah sa ilang pomotions na naka-schedule ngayong Linggo. Kabilang na rito ang sikat na late-night talk show ng RSE - After Hours With Kelly. Iba ang artist na kasama ni Elijah sa rehearsal ngayong weekend. Hindi ko rin naman kailangang sumama sa lahat ng rehearsals dahil may mga interns kami na naka-assign dito. Kaya dahil parehong bakante ang araw namin ni MJ, naisip kong kuhanin na itong pagkakataon para masimulan kahit papaano ang pag-aasikaso

