Sunud-sunod ang pag-pop up sa screen ng chat ng mga kaibigan ko, nagtatanong kung kailan ako available para makapag-set na kami ng date sa susunod naming get together. Nagbabato na rin sila ng mga suggestions dahil dito kami nahirapan noon. Nangunguna ang beach at hiking ngayon. Malamang ay kasama rin sa galang ito sina Sunny at Ezekiel dahil ito ang natatandaan kong napag-usapan noong nakaraan. Ngunit hindi pa ako handang makipagkita sa lahat. Not when I’m still clueless about my new arrangement with MJ. Kaya sinadya kong hindi mag seen sa group chat. Ito lang ang naisip kong gawin para i-delay muna ito. Sana lang ay magpakita na ulit si MJ para naman pareho naming harapin ang problemang kami rin naman ang may gawa. Ilang araw na rin kasi siyang nasa ibang bansa. Binibigyan ko lang s

