Paubos na ang ikalawang bote ng beer ko. Alam kong baka malasing na ‘ko kapag uminom pa ‘ko ng pangatlo. Kung malapit lang ang uuwian ko at kaya ng taxi, wala sanang problema. Pero malayo ang bahay ni Quinn. Kaya naman kahit gusto ko pa sanang bigyan ng dahilan ang sarili para magtagal sa bar at mahintay si MJ, tingin ko ay oras na para umalis ako. He’s not coming. Baka hindi niya naisip uminom ngayong gabi o kung uminom man siya ay hindi rito. Gusto kong puntahan niya ‘ko pagkatapos kong hindi mag-send ng picture ng hapunan ko. Pero syempre, paano nga naman niya malalaman kung nasaan ako ngayon? Katulad lang din ito ng pag-inom ko ng kape. Kaya tama nga talaga si Quinn. Hiningi ni MJ sa ‘kin ang pabor na ito hindi para takutin ako. Hiningi niya ito dahil alam niyang sumunod man ak

