Masaya akong maaraw sa labas dahil may lakad kami ni MJ ngayong Linggo, pero hindi ko naman inasahang si Sunny ang bubungad sa umaga namin. And it was obvious that I was not the only one who was surprised by her unwanted visit. Bakas kasi ngayon sa mukha nina Tita Claire, Tito Allan, at lalo na ni MJ ang labis na pagtataka. “Ala eh, bakit ka pala napadalaw, iha?” tanong ni Tita Claire. Malambing pa rin ang kanyang boses, marahil sinusubukan niyang bawasan ang tensyon sa hapagkainan. Oo’t nandito kaming lahat sa dining area. Pagkatapos kasing pagbuksan ng pinto si Sunny, dumating din agad sina Tita Claire at Tito Allan. Nagbatian silang tatlo. Sunny seemed at home with them. Mukhang bago pa ang araw na ito ay nagkausap na sila kaya sa kabila ng hindi natuloy na kasal ay maayos sila ngay

